Chapter Forty-Seven

2.3K 103 1
                                    

Lyrie

Isang buwan. Isang buwan na ang nakalipas simula nang sinabi ko ang mga 'yon kay Tatiana. Isang buwan na rin siyang hindi nagpaparamdam sa akin. Rinig ko ang mahinang pag hikbi niya noong gabing iyon, at hanggang ngayon ay nagsisisi pa rin ako dahil nagpadala ako sa sama ng loob.

Alam kong nagsisinungaling ako sa sarili ko sa tuwing sinasabi kong hindi ako naapektuhan ng kanyang pag iwas. Alam kong hindi pa ako nakakalimot sa nararamdaman ko para sa kanya. Masyado lang talaga akong napapangunahan ng sama ng loob para tanggapin ulit siya.

Ilang araw na rin simula nang nagpaalam ako kay Lynrie. Masakit sa loob kong ibalik siya, tinuring ko na rin siya na parang kapatid, pero hindi ko rin kayang ipagkait siya sa nanay niya. Nakausap ko ito ng maayos at naintindihan ko na ngayon kung bakit niya nagawa iyon. Napagkasunduan din namin na pwede akong bumisita sa kanila at sila rin sa amin. Malaki rin ang pasalamat ko dahil alam kong maaalagaan at mamahalin din si Lynrie ng nanay niya. Ngayon ay nakakalungkot lang dahil hindi ko na siya makakasama sa bahay at sa pag tulog, madalas kasi kami ang magkatabi eh.

May pasok ngayon at kakatapos lang ng isa kong klase. Tahimik akong naglakad papunta sa canteen at nagahilap ng mga mata ko sina Hugo na nag uusap usap, malamya akong lumakad sa gawi nila at natigil naman silang lahat nang makita ako.

"Gurl... kaya pa?"

Binigyan ko ng tipid na ngiti si Rafa at umupo sa tabi ni Mandi na busy kakapindot sa cellphone niya.

"Kakayanin," sagot ko habang kinukuha ang pagkain ko sa bag.

"Cheer up na! Bibisitahin natin si Baby Ly sa susunod na araw. Makikita na ulit natin siya, alam kong miss ka na nun!"

Napangiti ako sa sinabi ni Hugo. Sobrang miss ko na rin 'yung bata kahit ilang araw pa lang kaming hindi nagkikita.

Naramdaman ko ang pagkalabit ng isa kong kaibigan sa akin. "Pero si Baby Ly lang ba talaga ang dahilan niyan?"

Alam ko kung ano ang gustong ipabatid ni Kate sa tanong niya, ngunit hindi ko nalang pinahalata. "Bakit? Ano pa ba dapat?"

"Si Tatiana oh!"

Agad naman akong lumingon sa likod sa sinabi ni Aikah na tinutok pa ang kamay sa likuran namin.

Sinamaan ko ito ng tingin habang nagkamot batok naman siya. "Ay, hindi pala. Akala ko lang si Tatiana. Sorry ah."

Nagsitawanan sila ng ngumuso ako at inirapan sila. "Tigilan n'yo ako ah."

"Ano ba kasi ang nangyare sa inyo at hindi na nagpapakita dito ang Ate mong dyosa?" nagtatakang tanong ni Hugo.

Hindi ko ikinwento sa kanila ang buong nangyare, sinabihan ko lang sila na may nasabi ako kaya ganito na kami ngayon.

Nagpakawala muna ako ng buntong hininga bago sumagot. "Actually, kasalanan ko. Sinabihan ko siyang tumigil na."

Mahina ang pagkasabi ko pero malakas pa sa speaker ang reaksyon nila.

"Kasalanan mo naman pala!" si Kate.

"OMG!" si Aikah

"What!?" si Hugo

"Ang ship ko!" si Rafa.

Si Mandi lang ata ang nakatingin lang sa akin na para bang hindi niya alam ang sasabihin. Mabuti nalang may matino pa akong kaibigan.

Ngumuso ako. "Alam ko, ang tanga ko sa sinabi kong iyon kasi halata namang gusto ko siya at kahit anong gawin ko ay gustong gusto ko pa rin siya. Hindi ko alam paano ko siya kakausapin, ayaw ko mag message sa kanya dahil nahihiya na rin ako."

Naramdaman ko ang pag yakap sa akin ni Mandi na ipinagpasalamat ko.

"Tanga ka naman palagi. Pero huwag ka na mahiya imessage, oy! Ikaw na mag explain una," wika ni Kate na nakakuha naman ng hampas kay Aikah.

"Huwag mong pansinin ang sinabi ni Kate. Kulang lang sa halik ko 'yan. Alam mo ex, minsan nagkakamali tayo at kailangan nating matuto. Sa sitwasyon ninyong dalawa, kailangan ninyong mag usap ng masinsinan at magpatawaran. You both need that."

Binigyan ko ng ngiti si Aikah. At least itong jowa ni Kate ay may point. "Thank you, Aiks."

"Tapos na ang speech mo, baby. Ibigay mo na ang halik ko."Ngumuso si Kate pero hindi ito pinansin ni Aikah na ikinatawa namin.

"Girl, pag usapan n'yo iyan ah."

Tumango ako sa kay Hugo at binigyan siya ng ngiti.

"Oo nga, ayaw ko mag sink ang ship ko ah."

Sana nga Rafa, sana mapagusapan namin.

"Guys! Inimbita tayong lahat ni Debby sa party niya!"

Taka naman kaming napatingin kay Mandi na nakatutok sa kanyang cellphone.

"Kailan pa kayo nag uusap ni Ate mong Dyosa rin?" tanong ni Hugo na nagpapula sa pisnge ni Mandi.

Nagkibit-balikat ito. "Basta, inadd niya ako eh nagusap lang kami saglit. Sinabi niya sa akin na pumunta raw tayo sa bahay niya mamayang gabi, may party daw siya na ewan. Kahit anong outfit daw ayos na."

Nagtinginan kami sa mga suot namin. Presentable naman ata ito.

"Omg! Nakaka excite, I'm sure maraming fafi doon! Baka magka love life na tayo Hugo!" tili ni Rafa na halatang gusto na tumakbo sa party.

"Sana nga!"

"That means andoon din si Tatiana diba? Pwede mo siyang kausapin Ly!"

Kinabahan naman ako bigla sa sinabi ni Aikah. Tama siya, magkaibigan sina Debby at sure akong inimbita niya rin ito.

Kailangan ko na talaga pagensayuhan kung paano ko siya kakausapin.

Sana makausap kita, Tatiana.

* * *

Mga around seven kami nakarating sa bahay ni Debby. Pinapasok kami ng guard matapos sabihin ang mga pangalan namin. Malaki rin ito, may drive way at may mga sasakyang naka park. Nahiya tuloy kami na karga-karga pa ang mga bag namin at hagard pa dahil kakatapos lang ang klase. Bakit kasi biglaan din itong si Debby kung mang imbita.

"Guys! It's so good to see you!" Isa-isa kaming nakipag beso kay Sasha na kasama si Kuya.

"Hi guys! Hi, M, thanks for informing them ha, I was so busy to text y'all one by one eh." Kumindat pa ito kay Mandi na ikinatigil naming lahat.

Okay, ano 'yun?

"Anyway, let's go inside! I'm sure gutom na kayo. Tara!"

Siniko ko naman si Mandi na naistatwa sa kinatatayuan niya. Mukhang may something sa kanila ah.

"Mandi, usap tayo mamaya ha." May halong panunukso ang boses ko na ikinapula niya.

Nang makapasok ay agad naman akong nagtingin-tingin kung makikita ko ba ang gusto kong kitain ngayon, pero sadly, wala.

Biglang tumabi sa akin si Debby. "Hinahanap mo ba si Tatiana? She said she's busy with work daw. I told her kahapon to come, she didn't give an exact answer if she will. Ang workaholic na!"

Napanguso naman ako. Kung busy siya edi wala ng chance na pumunta pa siya dito? Sayang naman, ready pa naman sana ako sa pagkikita namin. Malungkot kong tinignan ang paligid, pero agad naman akong napatigil nang biglang bumukas ulit ang pinto.

"Hey, guys! Sorry I'm a little late."

Strange FateWhere stories live. Discover now