Special Chapter 2

10.6K 267 118
                                    

Happy 100k reads!

At dahil dyan, may pa special chapter ako! Thank you for the support!

——


"Ay nako, Upin!"

"Mommy?"

Pinalapit ko siya saakin sabay turo sa mga laruan niyang nakakalat sa living room ng bahay. "Anong sinabi ko sayo? Aayusin mo 'yan o ipapamigay ko 'yan sa kapitbahay?"

Nagkamot ng ulo itong gwapo kong anak sana, tanga tanga lang.

Bumuntong hininga ito. Ay. "These are not my toys, ma"

Wala sa oras akong napahawak sa dibdib ko. Palipat lipat tingin ko sakanya at sa mga laruan na nakakalat sa sahig. "Sure ka hindi sayo 'to? Feel ko sayo, anak"

"I play sport cars. Not toy trucks, mommy" Kalmado niyang paliwanag saakin na para bang bobo ang kausap niya ngayon. "But it's fine. I can clean this up if you say so. No worries, ma"

"Wait" nagkamot ako ng ulo. "Ipin! Halika dito dali!" Pagtatawag ko sa kapatid ng anak ko.

Alam kong nasa may paanan siya ng hagdanan, gumagawa nanaman ng sariling camping site doon gamit ng mga kumot at unan. Nadatnan ko nga siya pagbaba ko.

"Isa!"

"Two!" Natatawa nitong tugon, tumatakbo na palapit saakin. "Hi mommy!"

"Why do you look like that" Bungad kaagad sakanya ng kuya niya. "You look stupid"

O, alam niyo na sa'n nagmana ang isang 'yan.

Pinigilan ko ang tawa ko at baka umiyak ang isa. Medyo iyakin pa naman 'tong pangalawang anak ko. Mukha kasing eng eng. 'Di mo maitindihan ang itsura. May mahabang tali na nakatali sa bewang, naka crown, at naka brief at tshirt lang. Kinuha ko phone ko sabay senyas sakanya na mag pose. "Smile wide, anak!"

He giggled at tyaka nag posing ng pang superman.

"Aba, superman pala ang idol mo ha"

"No, mommy. I like Spiderman better" tapos hagikgik nanaman niya.

Hala same!

"Wala namang crown sa ulo si Spiderman!"

"Si Wonder woman meron, mommy"

Kumurap ako.

Kumurap uli ako.

Nagkatinginan kami ng panganay kong anak.

"Everyone can like wonder woman. I find her hot too" pagdepensa niya sa kapatid.

Tanginang mga batang 'to.

Pinitik ko tenga niya. "Ikaw! Anong hot ha! Manyak ka 'rin pala kagaya ng tatay mo!"

"What?" Maang maangan niya. Kalmadong kinakamot ang tenga na pinitik ko. "Daddy calls you hot too. Why are you mad? It's a compliment"

"Oo kasi manyak nga tatay mo!" Sinenyasan ko siyang tabihan ang kapatid na busy ayusin ang kanyang tali, "Dun ka, pipicturan ko kayo. Upin and Ipin tandem!" Sabay tawa ko ng malakas.

Ang cute kasi nila! Nakakagigil! Mini Audis!

"Ma, I'll appreciate it if you stop calling us with weird nicknames"

Tinignan siya ni Aero. 'Yung tingin na pang judgmental. "I don't mind! Maarte ka lang kasi"

Ayan na sila. Nagbabangayan na.

"Hep!" Singit ko kaagad. "Panira ka talaga ng mood, Art"

Ngitian ako ng peke ng anak ko. Halos itapon ko sa gwapo niyang pagmumukha 'tong cellphone ko. Meron na ngang Audi at Lambo, meron pang Art! Big 3 sa kasungitan.

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now