Chapter 46

7.2K 181 52
                                    

"Ang boring!" Binagsak ni Gust ang katawan sa sofa ng opisina ko. "Ano, Audi? Mag comeback na nga kayo ni bebeloves para naman makapag gala na uli kami ng maayos!"

Why the fuck is he here anyway? Palagi na lang ako binibisita sa opisina, parang walang sariling buhay.

"Puntahan mo siya. Wala naman pumipigil sayo" I said while busy signing some of the papers.

"Kapag chinachat ko naman siya parang hindi si Wing kausap ko. Tapos kapag inaaya ko sina Stef, palagi niya sinasabi na hindi siya pupunta kapag hindi kasama si Wing. Eh, hindi naman talaga sasama si Wing kaya ayon! Si Damien naman busy sa love life! Tangina! Pati sina Crigo! Lintek!"

Kinamot kamot niya pa ang buhok niya, asar na asar.

"I heard Kimora is coming back" I started, wanting to tease him.

Success naman. Kasi mas lalong pumanget ang ekspresyon sa mukha niya.

"Ayokong pag-usapan ang babaeng 'yon" inakbayan niya ang backrest ng sofa.

I shrugged. "And I also don't want to talk about Wing, so I suggest you to keep your mouth shut, Augustine"

Ngumuso siya saakin.

Feel niya cute siya niyan?

"Sige. Fine. Ikaw bahala" Parang bata niyang tugon. "Nakuha mo ba invitation card ni Cleobella para sa nararating niyang birthday?"

Tumaas isang kilay ko. "The pink one? Yung mukhang nilunod sa glitters?"

Tumawa siya. "Parang ayaw pa ata ibigay ni Kaz yung card eh" tawa uli siya. Pati ako natatawa na lang 'rin. "Tangina, tol. Lakas ng halakhak namin n'on nila Crigo nung nilahad niya yung invitation cards. Pinilit lang ata ni Cleobella"

Napapailing na lamang ako habang nakangisi. "Manahimik ka nga"

"Kung hanggang ngayon kayo pa ni Wing, tol ano sana plano mo sa apat na birthday niyang lumipas?"

Sumeryoso kaagad mukha ko sa lumabas sa bibig niya.

Again?

Ts.

"Buntisin uli" Walang emosyon kong tugon na ikinatawa nanaman niya ng malakas.

"Gago!"

Of course I wouldn't do that without her consent. I do wish that we're still together until now. Wala, eh.

"Pero di nga, Audi. Seryoso ka?"

"No. Magpapa kids' party ako. She would love that"

"Tangina mo talagang kausap" he lets out a shaky breath like he's stopping himself from laughing again. Suminghap ito ng hangin habang nakangisi parin. "Nakita mo ba mga post niya sa insta?"

I didn't answer.

Hindi ko naman siya in-unfollow sa social media. I wanted to know if she was doing fine or better or was she gonna deactivate for a while or not— Though, I didn't search her up until I was okay and prepared.

Maganda pa 'rin naman siya.

Mas lalo nga lang ngayon.

Audi and Me (Cadre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon