Chapter 15

9.1K 235 54
                                    

"Sira ulo ka talaga, Wing! Sinabi kong wag kang aalis sa kina—- hala"

Diretso lamang ang tingin ko kina Audi at Chanel na ngayon ay napaayos ng tayo nang makita ako— no. Ni hindi man lang umiba ang ekspresyon ni Audi sa mukha. Blanko lamang ang mga mata nitong tumutok saakin ng kumalas si Chanel sa yakap.

It seems like he didn't care if I caught him with her.

Right. Audi is Audi.

Audi locked eyes with me, and I only gave him my sweetest smile before drifting back my attention to Gust.

"Tapos ka ng umihi?"

Parang nagdadalawang isip pa ito kung sasagutin niya ba ako o hindi. Bahagya niya pang tinignan si Audi bago ako sagutin. "Hindi... ba obvious?"

Obvious! Obvious na obvious si Audi at Chanel!

"O, edi halikana! Gusto ko pa ng alak!" Tugon ko habang nakangiti.

No worries! Dapat happy lang! Crush ko lang naman 'tong isa dito, eh! Hindi ko naman sinabing mahal ko siya ah! Kung iba talaga gusto niya, edi mag balikan sila! No issue naman saakin iyon!

Nagkamot ng batok si Gust.

"Pasensya, Wing" bigla niya akong tinulak saloob ng kwarto na ikinagulat ko ng sobra. Muntikan na akong masubsub sa sahig kung hindi lang ako hinigit ni Audi sa bewang.

Saktong pag-angat ko ng tingin, ang mga malalamig na mata ni Audi ang bumungad saakin.

"Oh, hi ex!" Bati ko.

"Sheyt, ex kaagad" Rinig kong asar ni Gust sa likod.

May narinig pa akong ingay na nanggaling kay Chanel. Umaangal.

Hindi ko na initindi ang sinabi niya kasi una sa lahat, sino ba siya para itindihin ko? Ang alam ko lang ay hinigit narin siya ni Gust palabas ng kwarto bago niya sinarado ng tuluyan ang pintuan.

Kami na lang tuloy ni Audi ang naiwan dito sa loob.

Ayoko maiwan dito. Naiinis ako kay Audi.

"Wing" he started. Ang lamig ng boses! Kung may plano siyang mag-sorry, ayusin niya naman!

Hindi ako sumagot at nagbilang na lamang ng kambing sa utak.

Bumuntong hininga si Audi sabay hinigpitan ang hawak sa bewang ko.

"Wing" Ulit niya.

"Uupo lang ako Audi kasi super bigat na ng ulo ko" Hinawakan ko ang aking ulo at yumuko para lang hindi ko makita mga mata niya.

"I need you to listen to me attentively"

Napaka seryoso. Hindi naman ako galit.

"Okay, ex" I said, settling my eyes back on him.

He rolled his eyes.

"Hahayaan mo akong magpaliwanag o gusto mo na lang paniwalaan ang nakita mo nang walang eksplanasyon?" Natakot ako bigla sa tono niya. Hindi lang ito seryoso— may halong ibang emosyon na hindi ko maitindihan.

Ba't ba kasi hindi na lang 'Let me explain' ang sabihin niya! Nakakainis!

"Gusto mong magpaliwanag saakin na ganito kalagayan ko?" Tanong ko sakanya. "O hihintayin mong umayos 'yung screw sa utak ko para maitindihan ka?"

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now