Chapter 27

8.2K 172 41
                                    

"Do me a favor"

"Sige, Audi. Wala naman ata akong choice sa sinabi mo. Hindi siya naka question mark"

"I need to entertain the guests, and you're coming with me. Mamaya kana kumain, sabay na lang tayo"

"Ha? Bakit kailangan ako? Wala naman akong ambag sa kompanya mo"

"Baka kasi girlfriend kita, ano?"

"Oh, tapos?"

Hinila na ako ni Audi patayo mula sa inuupuan ko. "Then they need to know that I'm with someone now"

Fine-flex ba ako ni Audi? Ito na ba 'yon? Kumabog puso ko nang magsimula kaming maglakad papunta sa isang lamesa na puno ng mga kababaihan at lalakihang may ka-edaran na. Magkahawak kamay kami ni Audi na lumapit dito— and I needed to remind myself that this is Audi's world. Not mine. If I want to fit in, kailangan kong iadjust ang sarili sa environment ng mga businessmen and women.

Ayoko 'rin naman mapahiya si Audi nang dahil lang saakin. Magaling naman akong makipag-halubilo. And I know how to put on an impression to everyone's eyes.

So I heaved a breath. Straightened my spine and squared my shoulders.

Kaya 'yan, Wing!

Nagsitayuan kaagad ang mga matatanda sakanilang mga inuupuan ng makalapit kami ni Audi. Binati nila ang isa't isa at ako naman dito ay tila ba nabighani sa imaheng pinapakita bigla ni Audi ngayon. He shook hands with everyone and talk with them with an attitude I've had yet to get used to. Such strong authority in his cold eyes, radiating an intimidating look that would automatically make you feel inferior.

This is the CEO Audi! Ang professional ng dating niya sa harap ng mga ganitong klaseng tao!

"LMC's Christmas Party never fails! It's good to see you, CEO Leorouge" ito ang huling bumati kay Audi. Nagkamayan sila at agad na napunta saaking bewang ang kamay ni Audi pagkatapos.

"Highly entertained that you are still attending the company's parties, mr. Jeonevile" 

Nabigla ako ng mapunta saakin ang tingin nung mga matatanda, pero hindi ko 'yon pinahalata. I returned back the professionalism. I smiled as lovely as I could.

"This is my girl, Wingreline Pardox"

"Oh!"

Sunod sunod na pagbati ang nangyare, at wala akong ginawa kundi bigyan 'rin sila ng ngiti sabay balik ng mga puri nila saakin.

Bahagya pa akong binubulungan ni Audi sa tenga kung sino sino 'tong mga taong na nandito at kung gaano sila kaimportante.

Pagkatapos sa isang lamesa, pumunta naman kami sa kabila. Ganoon 'rin ang nangyare. Then another table. And the next. And the next. Kung sino sino na ang nakikilala ko. Highly paid entrepreneurs, attorneys, fashion designers, models— ang dami nila! Nangangalay na paa ko! Pati mga magulang nang barkada niya nakilala ko wala sa oras!

Ang bibigtime pala nilang magkakaibigan.

"Oh my god, Audi, I didn't know na break na pala kayo nung huli mo!" Nanay ni Crigo na mukhang dalagang dalaga pa dahil sa sobrang baby ng mukha. Hindi ko alam kung bakit pero yakap ang ibinigay niya saakin— "I didn't mean to say that in front of you, sweetheart. Nagulat lang ako! Not that I don't like you, I'm just really shock na hindi sinabi ng batang 'to na may iba na pala siya! And look at how gorgeous you are! Are you a model like Chanel? What agency are you ba? Do you mind if I—"

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now