Chapter 14

8.6K 194 27
                                    

"Happy birthday, Ryle!" Sabay kaming bumati ni Stef ng makita namin si Ryle kasama ang tropa niya.

Ngumiti ito saamin ng malawak at inisa-isa kaming chineek-to-cheek. "Salamat, salamat!"

Pagpasok pa lang namin sa bahay nila ang dami ng taong nagpaparty. Ang lakas lakas ng music na kahit saan ka magpunta, maririnig't maririnig mo ito. Malaki ang bahay nila at halos magmukha na itong mansyon. Kaya nga malakas ang loob mag house party!

"Ako, Wing? Hindi mo ba ako babatiin?" Napalingon ako kay Charlie ng magsalita ito. May hawak hawak siyang red cup.

"Bakit, birthday mo 'rin ba?" Tanong ko pabalik sakanya.

"Hi lang gusto ko pati kiss sa cheeks" inabot niya yung red cup saakin kaya napangiti ako.

Kinuha ko ito at sumimsim. "Sorry, bawal!"

May biglang tumili na babae na sobrang lakas sa may pool area kaya lahat kami ay napatingin doon.

"God, I just told you na ayaw kong makipag-dance sayo!"

Nagkatinginan kami ni Charlie at Stef. Mga ngiti saaming mukha ay nagbabadyang kumawala.

"I-reto mo nga 'yan kay Damien, Stef" natatawa kong usal.

Nakipag-apiran naman saakin si Stef. "Game ako dyan, anyways sabi niya hindi 'daw sila makakapunta ng tropa niya since may gagawin 'din sila ngayon"

"Awts, sabihin mo sayang! Sabihin mo madaming chix dito!"

Mga ilang minuto pa ay nag-inuman na 'rin kami ni Stef habang iniikot ang buong bahay ni Ryle. Napapasayaw pa kami wala sa oras kapag may mga tao kaming nadadaanan na sumasayaw 'din. Tawa lang naman kami ng tawa ni Stef.

"Wing, chug!" Sigaw nang isang lalakeng hindi ko naman kilala.

Tinaas niya 'yung pink gin para makita ko ito at laking gulat ko na lang ng maghiyawan ang mga tao sa paligid.

Umiling iling ako sabay tulak kay Stef. "Siya 'daw mag chuchug niyan!"

"Huh? Anong ako?!"

"Go, Stef! Di mo kaya i-chug? Weak ka pala, 'e!" Sambit ko ng malakas para marinig ng mga tao, "Oi! Weak! Weak! Wala ka pala, 'e! Weak!"

Nakisabay ang mga tao sa paligid.

Kinurot ni Stef ang tagiliran ko. Natatawa naman akong binulungan siya— "Malalagot ako kay Audi kapag naabutan niya akong lasing. Ikaw muna mag chug, bes 'o"

"Under!" Asar niya bago humarap uli sa mga tao. Tinaas nito ang kamay at humiyaw. "Chicken lang 'to! Akin na nga!"

Pumalakpak ako sabay tumili ng simulan ng i-chug ni Stef ang alak. "Best friend ko 'yan! Sinong may sabing weak siya ha?! Sino?! Susuntukin ko!"

Sa kalagitnaan ng pag-chuchug niya, nagawa niya pang hilain ang buhok ko pababa. May gana pang manabunot kaya natawa ako wala sa oras.

Hindi ko na alam kung ano na ang nangyare sa mga susunod na eksena. Ang alam ko lang, naparami na lang 'rin ako ng inom bigla, at kung ano ano na ang nagagawa namin ni Stef na kalokohan.

"Inunim mo 'yan gago!" Kantyaw ko ng mai-shoot ko sa baso ni Charlie 'yung pingpong ball.

Tumawa lamang ito sabay nilagok ang baso. Nanggigigil naman akong niyugyog ni Stef sa balikat.

"Varsity 'to ng beer pong mga losers!" Sabi niya pa sa mga taong nanonood saamin. Tanging hiyawan at sigawan nanaman ang bumalot sa paligid.

"KASAMA KO ANG TROPA WALWAL HANGGANG MAWALA—-" Sabay sabay naming kanta lahat. Halos mapaos ako sa lakas ng boses ko.

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now