Chapter 5

10.6K 287 108
                                    

"Kuya pabili ng taho!" Sigaw ko ng makita ko si kuya manong na sumisigaw ng taho sa daan. Malapad ang ngiti kong tumakbo palapit sakanya hawak hawak ang sarili kong baso ng tumigil siya para lingunin ako. "Good morning ho!"

"Ikaw nanaman hija" Nakangiti narin ito habang binababa na niya ang buhat buhat niyang may laman ng sangkap ng taho niya. "Papapasok kana?" Dugtong niya pa nang makita niya ang suot suot kong uniporme. Kinuha niya yung baso ko at sinimulan na itong lagyan ng taho.

Pinaghawak ko ang dalawa kong kamay sa likod ko. Naka white long sleeves kasi ako na naka tuck-in sa pencil skirt kong black. Naka black tights and one inch black heels. May test kasi kami ngayon tungkol sa etiquettes! Hands on daw sabi ni professor kaya ako nakasuot ng ganito. "Oho, eh kuya. Magiging waiter kami ata ngayon. Mas mabuti na lang 'yon kasi mas magaling ako sa hands on kesa sa academic academic na 'yan"

"Galingan mo, ha"

Sumaludo ako kay Kuya. "Syempre, ako pa!" Sabay tanggap sa basong may laman ng taho. Agad ko naman binayaran si Kuya tyaka nag paalam na.

May 30 minutes pa naman ako bago ang first class ko kaya bumalik ako sa unit para inumin 'tong taho ko. Si Stef may pasok na kaya ako na lang ang naiwan.

Stefenani Georginie Lacallus is one of the most beautiful girls I've seen in my whole life. Syempre, hindi ko lang sinasabi sakanya 'yon kasi kakapal mukha niya. Pero kung seryosong usapan naman, mas maganda pa si Stef sa mga models ng Pinas. Matangkad siya. Nasa mga 5'7 ata. Tapos structured and well-define yung hugis ng mukha niya. Morena. Upturned black eyes. Manipis ang porma ng kilay niya pero makapal ang buhok nito. Yung pilik mata naman niya ay mahaba, at matangos ang maliit niyang ilong. Slender body at pang model talaga ang pigura niya. Manipis ngunit malapad na labi. Plus, binuhusan siya ng dede kaya sobra-sobra ang sex appeal ng babaeng 'yon.

Minsan kinukuha siya ng mga ilang brands. Kapag tinamaan ng kasipagan si Stef, tatanggapin niya. Kapag tinamad, ayun irereject niya. Ireject niya na lahat wag lang 'daw 'yung working hours niya sa resort nila Blue.

Funny 'din siya minsan.

"Hi, Wing!" Naglalakad na ako sa corridors ng school papuntang first class ng marinig ko ang bumati saakin na lalake.

Ngitian ko siya sabay nag 'hi' pabalik.

Sobrang attentive ko nung nag hands-on test na 'yung professor namin na si professor Meralco. Pinag buhat kami ng tray sa isang kamay tapos pinalakad habang may libro sa ulo. Feeling unique 'din kasi 'tong professor na 'to 'e! Kung ano ano naiisip. Pero mas okay na 'yun kesa sa mag written test kami. Jusko, grabe 'yan mag quiz. Halos 300 items. Daig pa examinations.

Sabay kaming umuwi ni Stef. Mas nauna akong nag out pero hinihintay ko siya kasi ayokong mag jeep pabalik sa condo. Habang nasa byahe may tumawag sakanya. As usual, ako ang nag-da-drive.

"Next week? Saturday? Oh" Bahagya akong napatingin kay Stef nang may tumawag sakanya. Kinain kain nito ang kuko niya na para bang bored na bored sa kausap. "I don't know. I have work at that time. Chanel Rampei? I'll just text later if I'm available"

Hmm familiar 'yung name.

Chanel?

Napa singhap ako ng maalala ko kung saan ko narinig yung pangalan na 'yon.

Gf ni Audi!

Agad kong kinausap si Stef nang ibaba na niya yung phone niya. "Gf ni Audi yung Chanel, ha. Bakit 'daw?"

Nagulat 'din siya sa sinabi ko. "Talaga? Mag cocollab daw kami sa isang photoshoot. Kung papayag ako"

"Pumayag kana!"

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now