Chapter 4

9.7K 262 53
                                    

Ha?

Tumawa ako.

Sabay sapak sa braso ni Gust.

Pansin kong nagulat ang mga kasama niya at lumipat lipat ang tingin nila saakin at kay Audi.

Si Audi naman ay parang makakapatay na ng tao sa sobrang talim ng pinupukal niyang tingin kay Gust ngayon.

"Anong crush? Ako ang may crush dyan!" Sabi ko.

"Puta, mutual pala ang feelings! Anak ng!"

"Mutual? Masyado mo naman ako binibig time, Gust! Binusted nga ako niyan 'no!"

"Binusted ka talaga?" Sobrang lakas ng tawa niya na para bang nilalamon na niya ang music ng club. "Tangina naman talaga!"

Natatawa na lang 'din ako kasi nakakahawa tawa niya— pero nawala ngiti namin dalawa ng makita ang seryosong mukha ni Audi na nandito na pala sa pwesto namin.

"Hay nako, Augustine"

"Libre ko na kabaong"

"Daldal kasi"

Rinig kong sabi nung tatlo nilang kaibigan na naiwan sa couch nila.

"Car keys" nagulat ako ng magsalita si Audi. Nakalahad pa palad nito saakin.

Putangina.

"Hala, Audi akala ko ba hindi ka pumapatol sa lasing?"

"Gago"

"Kalma! Hanggang ngayon pa pala crush mo siya? 'Kala ko ba nung highschool lang?"

Pinasok ko pinky finger ko sa tenga ko at nilinis ito.

Feel ko kasi parang mali mga naririnig ko sa lumalabas sa mga bunganga nila. At baka sobrang lasing lang ako kaya kung ano ano na naririnig ko.

Nagulat ako ng bahagyang sinuntok ni Audi ang tyan ni Gust. Napamura si Gust. "Sheyt. Oo na, oo na. Tatahimik na. Pre naman! Walang ganunan!"

Tumawa mga kaibigan nila sa likod.

"Bugbugin mo na, Audi!"

"Nako mukhang kailangan ko na talaga bumili ng kabaong mo, Gust"

"Mukhang libing mo pa ata ang magiging rason ng reunion natin magkakaibigan, ah"

Lumapit ako kay Stef at hinawakan siya. "Ako na lang sakanya. Sige na" sabi ko kasi parang mag-aaway patong dalawang 'to sa harapan namin. Ayoko naman 'yon 'no!

Bahagya naman tinapik ni Gust ang kamay ko. "Ops. You asked for my help, Wing"

"Ah eh, naaawa na ako sayo 'e. Nasuntok kapa ni Audi" tinignan ko ng masama si Audi. "Ikaw crush ha! Bad 'yon! Kaibigan mo siya! Wag mong suntukin kahit pabiro lang 'yon!"

He only rolled his eyes at me. Hala, umiirap 'to?

"I said give me your car keys" Sabi niya ulit sabay lahad ng palad niya.

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now