Chapter 22

9K 244 65
                                    

"Look here, hindi ibig sabihin na takip lang 'to ng isang tube hindi mo na papansinin" Tinuro ni Audi 'yung maliit na takip na makikita mo sa makina ng isang sasakyan. "You need to see clearly what's happening in every small parts. You know what's this cap all about? It's called the radiator cap. Alam mo kung anong role nito sa makina ng sasakyan? It puts pressure on the cooling system. Do you want to know what's this cooling system all about and why I'm telling you these stuff?"

Magkasalubong na ang aking mga kilay dahil sa sinasabi niya.

To be honest, wala akong maitindihan. Namamangha lang ako kasi— ang daming sasakyan sa garahe! Parang walking car gallery! At hindi lang ito ang nag-iisang garahe niya dahil may mga garahe pa siya na nakatago sa isla.

Itong garahe 'daw na 'toh ay puros mga modelo ng Leorouge cars. Dito siya nagtatrabaho, gumagawa ng mga makina, at nagdedesinyo ng mga kotse.

Kaya pala may semento sa isla nila, kasi doon 'daw tinetesting ni Audi 'yung mga sasakyan.

Hindi na lang sana ako magsasalita pero mukhang hinihintay ni Audi ang reply ko. Napakamot tuloy ako ng ulo wala sa oras.

"Sige lang, Audi. Nakikinig ako" sabi ko habang tinitignan ang prototype ng bagong modelo. Kulay itim ito at matte. May isang gulong na hindi pa nakakabit sa harapan, at hindi pa talaga tuluyang naayos 'yung ibang parte ng sasakyan. Though, kapansin-pansin na kaagad ang kagandahan nito.

Bukas ang hood ng sasakyan at tinitignan ito ni Audi ngayon. Ang ganda ng makina, amp. Bahagya itong ngumiti ng marinig ang sagot ko.

"Sasakit lang ulo mo kapag pinagpatuloy ko pa. I'll just show you the basics" tinuro turo niya ang iba't ibang parte ng makina, "The battery. Hindi mag-o-on sasakyan mo kapag walang battery. The abs system— para sa brakes 'to. This actually prevents the wheels from locking kapag nag bre-brake ka. Kapag nag-on ang abs light mo sa sasakyan, patingin mo na kaagad ito. Naiitindihan mo ba? Mas maliit 'to kesa sa engine pero napaka delikado kapag nasira"

Kinamot ko uli ulo ko. Pinipilit na ipasok sa utak lahat ng sinasabi ni Audi. Feel ko nga inexplain na niya saakin sa pinaka madaling salita para mas maitindihan ko kaagad.

"If you feel like your brake pad needs more effort to push for a halt than the usual, do not continue driving. Tignan mo kung may mali kaagad sa sasakyan mo. Kung kulang lang sa oil, lagyan mo kaagad. Kung mas malalim pa ang rason doon, patingin mo na"

Tumango tango ako. Gets ko naman siya slight. Nanenermon ata si Audi.

May tinuro-turo pa siya at napunta nanaman sa life or death situations 'yung topic, pero pinakinggan ko lahat kasi parang sinasabihan na niya ako kung ano dapat kong gawin kapag na-encounter ko ang mga problemang iyon sa kotse.

"Ito ang V engine. Try guessing what kind"

Luh? Paano ko malalaman? Ni hindi ko nga alam na may mga types pa pala 'tong mga engines na 'to.

"Audi, feel mo alam ko?"

He lowly chuckles.

"Count the cylinders"

Binilang ko nga.

"12?"

He smiles.

"V12. Yes" he taps the engine, "Dumedepende sa engine mo ang tunog ng sasakyan. Isang function lang 'yon sa daming ginagawa ng isang engine. But we don't really have the time to further discuss things now, do we babe?"

Nahihilo na ako.

"Kaya pa?" Pilyong tanong nito. Ngumuso ako. "Sa laki ng kotse, mapapansin mo lang kung ano ang unang makikita ng mga mata mo. But the car has too much stuff around to focus on one thing. Harapan pa lang 'tong pinapakita ko sayo. May mga parte pa sa likod at ilalim" he gestured the car's underneath. "Tawag dito undercarriage. Nandito 'yung mga muffler, axles, brakes, suspensions pati 'yung transmission. Ito 'yung palaging kinakalawang kapag matagal tagal nadin 'yung kotse"

Audi and Me (Cadre Series #1)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum