Chapter 47

7.5K 152 22
                                    

Una palang, alam kong sasakay sina Audi sa barko.

"Ang ho-hot ng mga papi sa table 3, Wing. Kaloka" Nginuso nguso ni Grega ang lamesa nila Audi at napatawa na lamang ako ng aso.

Kanina pa ako hindi mapakali dito sa bar counter.

Ba't ba kasi dito pa nag celebrate ng birthday ang bruhang Cher na 'yon at imbitado pa ako.

Hindi ko alam kung nangangasar ba o ewan pero sabi ko nga, hindi ako makakadalo kasi may duty ako sa casino. Dealer ako. Hindi ko naman alam na kinausap niya pala ang boss ko at pumayag na mag leave ako for 1 week. With payment pa 'raw 'yon. Ampota, gaano ba kayaman 'tong Cher na 'toh. Siguro nag forge nanaman sila ng power ni Kaz. Eh, si Kaz kilalang kilala 'rin ang last name sa business field.

Nang malaman ni Kapitan na sasakay ang isang Leorouge, nagpahanda kaagad ito ng Captain's Ball para makausap sa personal si Audi at ang barkada. Ewan ko lang kung kailan. Minsan lang naman kami mag Captain's Ball dito.

Tinago ko ang aking nguso at pinilit ang sarili na wag lilingon sa lamesa nila Audi.

"Wing, paki hatid sa table 3"

Ay, 'to naman si kuya bartender. Ako pa talaga nakita, eh ako nga 'yung nakikiduty lang.

Nagkamot ako ng buhok sabay lingon kay Grega na kanina pang nagpapacute sa direksyon nila Audi. Gaga talaga 'tong bruha na 'to.

"Grega, ikaw na lang. Tutal type mo mga 'yan diba?" Pagpapasa ko sa trabaho.

Malawak ang ngiti ni Gregang tumango. "No problemo sis!"

Bahagya akong napangisi ng makitang gumewang gewang pa ito habang buhat buhat ang tray.

4 years na 'rin, ah.

Nakakatawa. Iyakin pala ako sauna.

4 years.

Sa apat na taon na 'yon, wala akong ginawa kundi mag pokus sa sariling buhay. Syempre mahirap nung una. Halos di ako makatulog tuwing gabi kasi iyak lang ako ng iyak. Sarado ang utak at ang pananaw ko ng mga ilang buwan bago ako bumalik sa dati.

Unti unti kong naiahon ang sarili. Binuhos ko ang atensyon sa pag-aaral pati sa side-trabaho kong bilang instagram model. Bumalik naman si kasiyahan, pero hindi na ganoon kasaya kagaya ng dati.

Kulang pa 'rin ako eh.

Hindi ko iaassume na si Audi ang kulang sa buhay ko.

Nope.

Hindi.

Hindi.

Hindi siya.

Okay, fine, mahal ko pa 'yung tao, pero ako unang bumitaw kaya wala dapat akong say.

Graduated. May trabaho. Financially stable.

Kontento naman na. Masaya kapag hindi iniisip si baby at si Audi.

Bumalik si Grega, mas malawak na ang ngiti ngayon. I stuck my tongue out at her and he giggled. Sinapak pa ako sa braso dahil sa kilig.

"Ang kukulit nilang malasing, Wing! Nakakaloka! Parang gusto ko ng sayawan" Nag sample pa si Grega sa gilid ko kung paano ang sayaw niya. "Wag ka ngang magtago dyan, Wing! Feel mo naman type ka ng mga papi, eh hindi nga sila nag eentertain ng mga kagaya natin"

Tumaas kilay ko. "Kagaya natin?"

Binigyan niya ako ng dzuh-look, "Parehas nating mga babae. Haler?"

Hinila niya ako bigla papalapit sakanya. Tumagilid na lang ako ng bahagya para hindi ako mapansin. Nandito kami sa may counter at naghihintay kung may gustong magpa-assist. Kapag malapit yung table kina Audi, si Grega na pinapapunta ko. Kapag hindi naman, ako ang kumikilos.

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now