Chapter 33

7.8K 172 17
                                    

Umuwi kami sa Manila naging hectic uli ang mga schedules namin. Balik skwelahan kami, balik kompanya naman si Audi. Baka ako lang nakakapansin pero alam kong mas lumalim ang relasyon namin ni Audi pagkauwi namin sa syudad. Every Saturday nagta-trabaho parin ako sakanya pero hindi na niya ako ganoon binubuhusan ng utos kasi mas nagkakaroon ng study session kesa sa aktual na trabaho ko bilang sekretarya niya.

Inaadvance study niya ako kahit sabihin 'kong kaya ko naman mag-aral ng mag-isa. Minsan bigla bigla na lang niya ako tinatapunan ng mga tanong. Nasasagot ko naman, pero hindi lahat. Ang hilig niya akong turuan. Parang mas naging professor ko siya kesa sa naging boss. Hindi naman ako umaangal kasi para saakin lang 'rin naman 'toh.

Mas umokay nga grado ko ngayon kesa sa dati! Ang galing nga! Pati yung mga professors ko pinupuri ako kasi tumataas daw mga grades ko!


From: Rawr

I'm here


"Coming!" Nag-aayos na ako ng mga gamit ko ng mag-text si Audi na nasa labas na siya ng building namin.

"Crazy bitch"

Rinig kong murmur ni Cleobella na ngayon ay nag-aayos 'rin ng gamit niya sakanyang armchair. Hindi ko na lang siya pinansin at baka mahampas ko lang ang LV mini backpack ko sa pagmumukha niya. Galing pa naman 'to kay Stef. Ayokong masira 'no!

Palabas na ako sa doorway ng biglang sumulpot si Kaz doon.

I gasped.

Omg.

"Hi Kaz!" Sabi ko sabay lingon kaagad kay Cleobella na ngayon ay napalingon 'rin dahil sa sinabi ko.

Lumaki ang kanyang mata ng makita akong pinanliliitan siya ngayon ng mga mata. Huli ka!

"What? You are so chismosa, nakakairita" she rolled her eyes before zipping her pink Prada bag.

"Wing, nasa labas na si Audi"

Lumingon uli ako kay Kaz sabay ngiti. "Yup, papunta na ako. Ikaw? Sinusundo mo si Cher?"

He nods, "May gagawin lang kami"

I wonder.

Tinapik tapik ko balikat niya, "Good luck"

He laughs.

"Bye na! Una na ako, Kaz!" Hinawakan ni Kaz ang bewang ko sabay bineso ako sa isang pisngi.

"Take care, Wing"

Kumuway ako sakanya at naglakad na sa corridors. Tumawa pa ako ng marinig ko ang boses ni Cleobella na nagtatanong kung bakit 'raw ako kinakausap ni Kaz. Sorry ka girl. Hays. Kaya ko naman maging mabait kay Cleobella kung titigilan na niya ako sa mga kaartehan niya.

Dumiretso kaagad ako sa loob ng kotse ni Audi at binigyan siya ng kiss sa cheeks. "Pizza tayo ngayon!"

"Sa condo tayo, magluluto ako" Simpleng sagot niya sabay pinaandar na ang sasakyan. "Palagi na lang tayo fast food"

"Ano lulutuin mo?" Inadjust ko 'yung aircon sa pinakamalakas na number kasi naiinitan ako.

"What do you want?"

Ayan nanaman po kami.

"Kahit ano"

He made a face sabay ikot sa manibela.

"Sinigang?" He asked na ikinailing ko naman. "Manok?" Umiling uli ako. "Ayoko ng makipaglaro ng guessing game sayo. Ikaw na mag-isip kung ano gusto mong kainin" may halong iritasyon na sa tono niya kaya kung ayaw kong mauwi nanaman kami sa away, aayos na ako.

Audi and Me (Cadre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon