Special Chapter

8.9K 230 34
                                    

"Audi psst" sinusubukan kong gisingin si Audi kasi nagugutom nanaman si baby sa tyan ko. Feel ko kakainin na nito laman loob ko kapag hindi ko pa siya pinakain. "Audi, baby, hubby, gising"

Lumipas ang limang segundo wala akong nakuhang reaksyon sakanya.

Sinabunutan ko na buhok niya. "Gising, Audi. Gising!" Sinapak ko pwet niya. "Gising!"

Audi groans, magkasalubong na ang dalawang kilay. Kinusot kusot nito ang mata.

"Gising Audi. Dali"

Walang gana nito binuksan ang mga mata, "Why? What's wrong?" Tinungkod niya ang dalawang elbow sa kama para tignan ako. "What is it?"

Ngumiti ako ng malawak. "Tulog na tayo"

He groans and falls back on the bed. Niyakap niya ang unan sabay umungol nanaman ito ng malalim.

Bumigat dibdib ko.

Bakit siya ganyan?

Tinapik tapik ko braso niya. "Audi gising nga. Joke lang 'yon"

He grunts again. "Let me sleep. Please. Wala akong tulog kagabi, mi vida. Please lang. Kahit ngayong gabi lang tantanan mo ako"

Ngumuso ako. Naiiyak na. Feel ko talaga hindi na ako love ni Audi. I mean— look at him! Unan na kayakap niya! Bakit unan niyayakap niya?! Ano, ayaw na niya ako kayakap? Mas lalo akong napanguso.

Sinapak ko siya ng unan na ikinaungol nanaman niya ng pagalit.

Pinunasan ko ang luhang tumulo at tyaka tumingala na lamang sa kisame— eh puta salamin naman 'tong kisame namin! Pati dito sa bahay dinala ni Audi yung hilig niya sa salamin sa itaas ng kama!

Mga ilang minuto na ang lumipas, napagtanto kong tulog na talaga si Audi at walang plano asikasuhin ako, kaya naiyak na ako ng tuluyan.

Iritado akong umalis sa kama para pumuntang kusina. "Tantanan ko na daw siya. Tantanan. Anong tantanan?"

Umiiyak parin ako habang nagluluto ako ng sarili kong pancit canton. 2:46 na sa umaga pero parang gusto ko pang lumamon. Naiinis na nga ako eh! Tumaba ako! Feel ko ang taba taba na ng pisngi ko pero sabi naman ni Audi hindi 'raw. Eh, feel ko nga diba?!

Humihikbi na ako habang hinihintay kong maluto ang pancit. Nakahilig ako sa may stove, sinusubukan tignan ang kumukulong tubig. Ang laki na kasi ng tyan ko, hindi ko tuloy makita ng maayos.

"Baby..."

Naramdaman ko na lamang ang kamay ni Audi sa bewang ko. Hinarap niya ako sakanya. "Why are you crying? What's wrong?"

I can see worry in his eyes pero neknek niya.

"Ginigising kita pero ayaw mong magising!" Angal ko, humihikbi parin. Inikot ikot ko yung tinidor sa pancit canton ko. "Nagugutom kaya ako"

"Ginising mo ako. Nagising ako. Pag gising ko, ang sinabi mo saakin, tulog na tayo—"

"Joke nga lang diba!"

Hinawakan niya magkabilang pisngi ko.

"Okay. Okay. Calm down"

"Ibuhos ko kaya sayo 'tong mainit na tubig ha?!"

"Baby, don't shout"

"Ngayon alam mo na anong feeling ng sinisigawan ha?!"

Audi took in a sharp breath. He played with his tongue inside his mouth— umaangat ang isang sulok ng kanyang labi. Pinipigilan ang sarili na matawa.

Sa inis ko, tinulak ko siya palayo. "Ano nga uli sinabi mo saakin, Audi? Tantanan kita?"

He blinked. Umiling kaagad siya. Lumapit at hinawakan uli ang aking mga pisngi. "That was a joke, mi vida. A joke. Come here, give me a kiss"

Audi and Me (Cadre Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora