Chapter 24

7.6K 174 6
                                    

Nakakatampo 'rin pala minsan.






From: Wachikondi Wanga 💕

Baby :( emergency meeting kami ng board. I'm really sorry.



From: Wachikondi Wanga 💕

Papakuha na lang kita kay Gust. Umuulan..






Ngumuso ako, pinipigilan na umiyak. Nararamdaman ko na ang pag-init ng gilid ng aking mga mata't ilong. Hindi naman ako iyakin pero pag dating kay Audi ang bilis ko talagang manghina.

Sabi niya kasi dinner kami. Pinauna ko na si Stef kasi hihintayin ko pa si Audi. Syempre, aasa talaga ako. Sa tagal ba naman namin hindi nagkikita, hindi ko sinasadyang ma-excite! Tapos ganito lang pala mangyayare. 6 out niya at 5 out ko ngayon.

Emergency meeting.

Okay lang. 1 hour lang naman ako nag hintay. Hindi naman ganoon katagal!

Tumayo ako sa bench na inuupuan ko at nag reply kaagad kay Audi.






To: Wachikondi Wanga 💕

Oks lang! Wag mo na ako ipakuha kay Gust! Nandito pa naman si Stef e. Sasabay na lang ako sakanya :)






Halos isang buwan na kami hindi nag kikita ni Audi, pinatigil niya pa ako sa Saturday duty ko sakanya at gusto niya akong mag-pokus sa finals namin. Ngayon lang siya uli nag aya na mag dinner kami. Nag expect tuloy ako ng sobra sobra. But that's okay! We have all the time in this world. No need for me to sulk. Meron pa naman ibang araw.

Nagsimula akong maglakad hanggang sa may labasan ng hallway. Rinig na rinig ko ang malakas na ulan at kitang kita ko 'rin ang makulimlim na langit sa itaas.

Buti nag black shoes ako ngayon! Kung nag white shoes pa ako, malilintikan ako wala sa oras. Nakakairita kayang madumihan ang white shoes, ang hirap pang linisin!

Kalagitnaan ng paglalakad ko palabas ng university ay nag ring bigla ang phone ko.

Si Audi tumatawag.

"Hi boss!" Maligaya kong bati sakanya.

[Stef is not there anymore...] sabi niya sa pagod na boses. Sumeryoso kaagad ang pagmumukha ko dahil sa napansin.

"Kumakain ka ba ng tama, Audi?" I asked, continuing my walk para makalabas na ako sa campus.

[I'am. Don't worry about me. Worry about yourself] Sandali niyang inilayo ang phone sakanya, may inuutos sa sekretarya. Hindi nakatakas saakin ang pag buntong hininga niya ng malalim. [I already called Gust. He's on his way there. Nandyan na siya ng mga ilang minuto]

I kicked a stone on the ground. "Hmmm" I suspiciously hummed.

[Anong hmm?]

"Kumakain ka talaga?"

I can imagine him rolling his amber eyes at me. [I'am]

"Weh"

[Isang weh mo pa]

"Weh"

[Kakainin kita]

"Weh"

The other line went quiet all of a sudden. Kumunot noo ko. Ba't tumahimik si Audi?

"Audi?" Tawag ko sakanya.

[You're a fucking horny little girl, aren't you?]

Nasamid ako sa sariling laway. Magsasalita na sana ako pero walang lumabas sa bibig ko. Para akong natameme na ewan. The glee that carved my face was something I wanted to wear everyday if not stressed.

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now