Chapter 16

9.9K 220 86
                                    

Niloloko lang pala ako ni Audi sa bayarin. Habang kumakain kami binuksan ko kasi 'yung topic na ilang beses akong kumuha ng yogurt drink sa sobrang sarap nito.

Bini-big time lang pala ako! Hindi ko naman pala kailangan maglahad ng pera para kainin mga pagkain niya sa ref!

Mga 10 na akong umuwi sa bahay. Hinatid ako ni Audi. Sinabihan ko nga siya na mag gra-grab na lang ako or angkas pero ayaw niya. Gas tuloy niya ang nasayang. Bahala siya.

"Eyow, wazzup mother?" Masaya kong bati sa aking ever so biotipol mother na ngayon ay nanonood ng tv sa salas.

Ngumiti ito saakin at agad akong binigyan ng halik sa pisngi. "Buti naman at napag-isipan mo 'rin umuwi dito? Akala ko pati ikaw kinalimutan na din ako"

Joker 'to si mother. "Parang crazy mother. Si father? Tulog?"

Umiling siya. Umupo at nilipat ang pinapanood sa tv. "Trabaho. Ano pa ba?"

Ba't parang hindi siya sure sa sagot niya?

"Ay, mother! May pasalubong nga pala ako sainyo!" Nilapag ko 'yung dalawang plastik sa kandungan niya— "Tada! Chocolates and yogurt drinks!" Ang bait ni Audi saakin kanina! Hinayaan akong mag-grocery sa ref niya!

Lumiwanag naman mukha ni mother habang tinitignan ang laman ng mga plastik. "Hala, anak ang sosoyal naman ng mga brand nito. Saan mo 'to binili?"

"Kinuha ko po sa ref ng boyfriend ko"

"Boyfri— May boyfriend ka?!"

Sermon po nakuha ko sakanya pagkatapos kong ikwento si Audi. Hindi ko sinabi kung gaano siya kayaman o kung gaano siya ka gwapo. Sinabi ko lang na may boyfriend akong nagtatrabaho sa isang malaking kompanya at agad niyang sinabi ay— "Potangina mo Wingreline! Hindi kita pinalaki para kumuha lang ng sugar daddy!"

"Hindi siya sugar daddy mother oi! Classmate ko siya nung highschool! Isang taon lang agwat namin!"

Kumalma naman siya sa sinabi ko. Nang sinabi niyang dalhin ko si Audi sa bahay para makilala nila ni father, hindi muna ako pumayag.

Nagdalawang isip pa ako.

Kasi... totohanan naba talaga 'tong ginagawa namin ni Audi? Ni hindi naman ganoon ka lalim ang nararamdaman ko para sakanya.. so.. feel ko lang na hindi pa ngayon ang tamang panahon para ipakilala siya.

Dumating ang week ng exams namin. Sa mga nakaraang araw, mas lalong naging strikto si Audi. Wala kaming ginawa sa opisina niya kundi mag-aral ng mag-aral. Hindi 'rin naman kami nakakapag gala ni Stef kasi busy din siya sa pag-aaral niya.

No problem naman saakin 'yon kasi alam kong kailangan ko talagang mag seryoso sa college. May mga araw lang na kapag inaaya ako ni Audi na mag dinner or lunch, minsan kailangan niya umalis sa kalagitnaan dahil sa mga sudden calls ng kompanya niya. Kapag ako naman ang nag-aaya, palaging nata-timingan na may mga meetings siya. Sinasabi ko na lang sa sarili ko na normal lang iyon kasi CEO siya. May buhay siya bago naging kami.

Alam ko naman na super hectic ng schedules niya at gumagawa lang 'din siya ng paraan para magkita kami. That's fine. Yung effort niya ang tinitignan ko. Hindi madali maging CEO ng isang malaking kompanya. Baka nga mas mahalaga pa kompanya niya kesa saakin— and I'm not even mad about it. Kasi ito ang bumubuhay sakanya. Nakukuha niya lahat ng gusto niya dahil sa kompanya niya. Praktikalan naman na 'din ngayon 'no!

Hindi ako magdadalawang isip na itulak si Audi sa bangin kung bibigyan ako ng 20 million dollars! Easy money!

"May bagong bukas na milktea shop, try natin, bruha" Hinila kaagad ako ni Stef sa sinasabi niyang bagong bukas na milktea shop. Tapos na ang exams ko both in majors and minors kaya inaawardan ako ni Stef ng gala. Si Stef naman ay sa susunod pa na week.

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now