Chapter 20

11.1K 226 50
                                    

Malawak ang ngisi kong lumabas sa aking kwarto kinabukasan. Napamura pa ng malutong sa sakit na naramdaman sa ibaba ngunit hindi ito magiging rason para masira ang araw ko. Fighting, aber! Ako ang naghanda ng umagahan naming dalawa ni Stefenani. Good mood na good mood ako ginawan ko pa siya ng favorite coffee niya for breakfast.

"Good morning, best friend!" bati ko kay Stef pagdating niya dito sa hapag. Saktong naghahain na ako ng lumabas siya sakanyang kwarto na buhaghag pa ang buhok at lukot lukot pa ang nightdress.

Kunot noo niyang tinignan ang lamesa. "May ganap ba ngayon?" Paos niyang tanong.

Umiling ako. Malaki parin ang ngisi sa mukha. "Wala naman. Kain na tayo, dali. Dito ka. Nandito kape mo"

Sandali siyang hindi nagsalita na parang sini-sink in niya pa ang lahat. Halatang ngang medyong lutang pa siya ngayon.

"Nadiligan ka, ano?"

Tumili ako.

Pinagmasdan ako ni Stef ng mga ilang segundo bago ito nakisabay sa tili. "Madame, finally!"

"Ang laki ni Audi, bes!"

"Aba dapat lang ganon, girl! Sungit sungit non tapos maliit lang pala?" Lumapit siya saakin sabay hila sa duluhan ng buhok ko pababa. "Malaking malaki ba talaga? Sinubo mo? Ano? Details nga!"

Sinapak ko siya. "Tange! Nasa harapan tayo ng pagkain, mamaya na lang at baka hindi kana makakain pagkatapos"

Ginulo niya buhok ko. Nanggigigil. Humagikgik lamang ako bago umupo. Pinag-usapan na namin ang magiging araw namin ngayong dalawa. Since Sunday ngayon, may sari-sarili kaming mga lakad. Kakatext lang saakin ni Audi kanina. Date 'raw kami.

Syempre, kilig na naman pempem ko don.

Tinanong pa ako ni Audi kung may mga kailangan pa akong tapusin sa school para 'raw tulungan na lang niya akong gawin iyon. Pero tapos na ako! Nasanay na akong tapusin ng maaga 'yung mga school paper works at projects para hindi ako mag cramming. May plates pa akong tinapos para sa isang sub namin. Nakapag-review naman na 'rin ng kaunti sa Chinese Language. So far so good.

"Ako na maghuhugas, tipaklong!" Sabi ko kaagad pagkatapos namin kumain. Tinignan ako ni Stef na para bang may himala siyang nakikita.

"Ganyan ka ba kapag nadidiligan? Aba, makausap nga minsan si Audi. Sabihan ko na diligan ka palagi"

"Bet"

Sinabunutan niya ako. Nanggigigil nanaman. Natawa na lamang ako sa naging reaksyon niya.

Habang naghuhugas, pinilit na ako ni Stef na magkwento kaya napakwento ako wala sa oras. Nung malaman niyang hindi ko sinubo si Audi, halos isampal na niya sa pagmumukha ko ang bagong linis na plato. Inis na inis siya. Hindi 'raw ako marunong lumandi.

"Bes, si Audixamperge Leorouge 'yan! Leorouge! Hindi natin alam kung hanggang kailan lang kayo kaya as much as possible, isubo mo na!"

Masyado naman atang true to life 'tong advice ni Stef. Alam ko naman 'yon, hindi niya naman kailangan ipamukha na dadating talaga ang araw na mag bre-break kami ni Audi. Sakit kaya!

Pinunasan ko ang aking mga kamay ng matapos sa paghuhugas at tuluyan ng hinarap si Stef sa may lababo. "Hindi ko alam kung paano mag bj" Pag-aamin ko. "At tyaka, ayoko pa. Hindi pa ako ready"

Isang hila nanaman sa buhok ang nakuha ko mula sakanya. "Kaloka ka! Bumukaka kana sakanya tapos sasabihin mong hindi ka pa ready mag bigay ng bj? Hoy, Wingreline wag kang feeling clean"

"Totoo naman kasi" Tinampal ko kamay niya sabay ayos sa nagulo kong buhok. "Pag-aaralan ko pa"

"Paano, aber?"

Audi and Me (Cadre Series #1)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora