Chapter 28

8.3K 177 76
                                    

Hindi ko na alam kung ilang oras akong umiyak, pero nakatulog na ako ng mahimbing ng biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

Masakit at mabigat ang ulo kong bumangon. Hirap na hirap pa akong buksan ang aking mga mata dahil sa sobrang mugto nito. Ni hindi pa nga ako nakakapagpalit ng damit.

Ng bigyan ko ng tingin ang aking phone, alas tres na sa umaga. May mga missed calls si Audi pati mga text messages na hindi ko pinansin. Mamayang five na ang kanyang alis papuntang Canada.

Napabuntong hininga na lang ako. Ang babaw ng rason ko kung bakit ako galit sakanya. Gusto ko lang naman magkaliwanagan kaming dalawa. Pero sige na lang, kasi at least malalaman ko kung hanggang saan lang ang kaya ng pasensya niya sa katulad ko.

May isang text na galing kay Gust. Yoon lang ang binuksan ko.



From: Augustine

Bebeloves namin :(  buhay pa? Okay lang mag rant ka saakin promise hindi ko sasabihin kay boss Audi :) I got u!




Malumanay akong napangiti sa nabasa. Kahit papaano'y nagawa niyang tanggalin ang isang tinik sa puso ko.




To: Augustine

Libre mo 'ko ice cream




Pag jojoke ko.

Nang may kumatok uli sa pinto doon ko lang naalala na meron nga palang taong naghihintay sa labas.

Pwede naman pumasok si Stef kaagad. Si Damien siguro. Dito siya natulog sa condo ngayon, 'e. Nakakaawa 'daw ako.

Tamad akong tumayo at naglakad sa pintuan. Kumuha muna ako ng jacket kasi nilalamig na pala ako, hindi ko lang namamalayan.

Pagbukas ko sa pintuan, mukha ni Audi ang bumungad saakin. Naka black hoodie ito at dark jeans. Suot-suot ang hood sa ulo at nakapasok ang dalawang kamay sa front pouch ng hoodie. Pagod ang kanyang mga mata pero malamig pa'rin itong titigan.

I forgot how tall he is without my heels. 6 footer nga pala 'to tapos 5'3 lang ako.

Para akong tangang tinitigan lang siyang nakatayo sa labas ng kwarto ko, hawak hawak parin ang doorknob. Hindi ko alam kung bakit hindi na ako nagulat pa sa pagdating niya. I guess I was already expecting him in the first place.

If there's one thing I learned from him about handling our relationship is that I shouldn't ignore his explanation just because we're in a fight.

I needed to clear up my mind earlier, and now that I've calm down— nakatayo lang ako sa harapan niya, hinihintay kung ano man ang gusto niyang sabihin.

"Stef let me in.." he started with a low voice that was barely audible.

Tinitigan ko lang siya ng diretso at hindi nagsalita.

"Mamaya na alis ko..." Something in his eyes gleamed. "Ayokong umalis na magkaaway tayo, Wing"

Nanatili akong tahimik.

A muscle in his jaw flicked, and he bit his lip. I bet his fists are balling inside the front pouch too.

"I... I don't want us like this. I don't want you angry.." yumuko siya bigla at pinaglaruan ang kanyang isang paa. Sinipa sipa niya ng bahagya ang sahig na para bang may sinisipa siyang bato dito. "Hindi naman dapat ganito, 'e"

I gulped when I heard how soft his voice were.

Wag kang iiyak, Wing. Wag kang iiyak.

Audi heaves a breath.

Audi and Me (Cadre Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora