Chapter 32

8K 170 28
                                    

Mabilis natapos ang araw namin sa kakalangoy at kakulitan. Muntik ko ng makalimutan na maglagay ng sunscreen kung hindi lang pinaalala ni Stef! Sunburn kuha ko nito wala sa oras pag nakalimutan nga ng tuluyan. Ayoko pa naman nung parang kuskus sa gitna ng hita— yun 'yung pinaka nakakairita!

Sa 4th day namin nag surfing naman kami sa Cloud 9. Lahat ng mga lalake alam na kung paano mag surf, kami lang ni Stef ang medyo bobo pagdating dito kasi first time namin. Pero pagdating naman sa mga ganitong hands-on madali lang akong matuto. Sa mga ganitong bagay lang tumitino utak ko sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Bumalik kami ng hotel alas tres na sa hapon dahil ngayon kami mag-cecelebrate ng birthday nila Audi and Stef. Kasama ko ngayon si Damien at Gust na naghahanap ng magandang cake para sa dalawa.

"Ano bang gustong flavor ni Audi?" Tanong ko kay Gust habang tinitignan ang mga naka display na cake sa may counter side.

Nagkamot siya ng ulo na para bang iniisip niya 'din ng malalim kung ano nga ba ang paborito ng kanyang kaibigan.

Si Damien naman ay kakabili lang ng kanyang mango shake. Nilahad niya ito saakin na agad ko naman kinuha.

"Just choose any. Pag alam niyang ikaw pumili, hindi na makakaangal 'yon" Ika niya.

Umiling iling ako. Si Audi? Hindi magrereklamo kung ayaw niya? Ha! Kahit ako pa ang dahilan niyan! Mag rereklamo yan!

"Wish ko 'rin na ganoon ka bait si Audi"

Tinuro naman ni Gust ang isang chocolate cake. "Kung ito na lang? Mukhang masarap naman"

Dalawa kaming umiling ni Damien.

"Common" Bored na komento ni Damien.

"Oo nga" pag-aagree ko.

"'Kala niyo naman kayo ang birthday celebrant!"

Binalik ko ang mango shake kay Damien.

"Ikaw na lang gawin naming cake ni Audi, Wing" nabigla ako sa sinabi ni Damien.

Mabilis naman na nakapag-reply si Gust. "Oo nga! Good idea! Tutal mukhang ikaw lang naman din ang kinakain niyang matamis o, e ikaw na lang! Wala pang gastos"

"Matamis ba 'yan" pilyong tanong ni Damien dahilan para sapakin ko siya sa braso niya.

"Payag ako basta si Gust cake ni Stef" habol ko.

Nasamid si Gust sa mango shake na kinuha niya kay Damien. Umubo ubo ito at bahagya pang pinalo-palo ang dibdib.

Ngisian ko siya. "Diba sabi mo hindi ka mahilig sa flat? O, hindi flat si Stef! Lunurin mo sarili mo 'don, Augustine!"

Tumawa si Damien sa gilid ko. "Kadiri ka, Gust. Akin na nga shake ko"

"Mas kadiri si Wing. Gaga, pag pinatulan ko si Stef, para na 'rin akong pumapatol sayo" umakto pa siyang nandidiri sa sinabi. "Sweet home Alobama. My god"

Tinignan ako ni Damien na para bang may ineexpect siyang reaksyon saakin. "Naitindihan mo sinabi niya?"

Tumango ako. "Grabe ka naman, Dami. Satingin mo saaki—"

"Suki ka pala ng pornhub"

"Pornhub lang ba meron nun!"

"Hoy Wingreline!" Sigaw ni Gust. "Anong kagaguhan 'yan ha"

Lumapad ngisi ni Damien. "Alam na alam ha"

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now