Chapter 9

9.4K 238 93
                                    

Weeks passed, wala naman nang nangyare sa buhay ko. School. Trabaho. Uwi. Minsan dumadating si Audi minsan naman ay hindi. Ngayon lang ata uli may nangyareng imposible sa buhay ko nang pagkauwi ko galing school, may lalaking nakaupo sa sala at nanonood ng TV.

Nauna si Stef umuwi, sa dahilan na wala silang prof, hindi ko naman alam na may iba pa siyang rason.

Saktong pagsara ko sa pintuan sa likod ko, lumingon saakin 'yung lalaki.

"Hi Medusa"

Literal na napa nga nga ako ng makita ko si Damien na nandito sa condo unit ni Stef. Bahagya pa siyang nagtaas ng kamay para bumati.

Ba't siya nandito?

"Damien!" Agad akong tumakbo papunta sakanya para makipag-apiran. Buti na lang at nakataas na kaagad kamay nito! "Ano pasalubong mo?" Nag-spa-sparkle pa mga mata ko habang tinatanong 'yan.

Tinaasan naman niya ako ng kilay na para bang hindi siya makapaniwala na ako talaga ang nagtanong tungkol sa pasalubong.

"Ako ang bumisita, ako pa ang may pasalubong? Don't you have any decency to your visitors?" Ba't parang siya pa ata galit? Naka kunot noo pa ito na akala mo talaga ang laki ng kasalanan ko sakanya.

Sitting pretty pa siya sa couch namin. Sobrang bukaka at naka slouch pa sa backrest. Feel at home si kuya. Sa 'di kalayuan, rinig ko ang shower na bukas. Hindi na ako nagtanong kung nasaan si Stef kasi halata naman na nasa cr.

"Ba't ka nandito? Paano mo nalaman na dito unit ni Stef?" Tumabi ako sakanya. Dito sa kaliwa kasi nakaakbay yung kanang kamay niya sa backrest ng couch. Nakauniform pa siya. Galing siguro sa school. "2nd year?"

Umiling siya sabay lipat ng channel sa tv. Naks naman.

"3rd" lipat lang siya ng lipat. "Na bored ako sa condo ko kaya bumisita lang ako ngayon. Inom tayo. May dala ako"

Luh. Baka may balak 'to.

Chos.

"Wala kang kalandian ngayon? Wala kabang friends?" Tinaas ko dalawa kong paa para makapag indian sit.

He scoffed. "Nakakasawa mukha nila"

"So saamin hindi? Yieh" inasar ko siya sabay tusok sa tagiliran niya. "Hoy, baka isipin mo na makaka chansing ka saamin ni Stef ha. Hindi kami mahilig mag threesome"

Umewan mukha niya. Medyo natatawa pa ata. Binigyan niya ako ng tingin na parang naa-amaze siya sa sinabi ko.

"Edi sayang"

I gasp.

"You're lowkey full of yourself, Wingreline. Wala akong balak matulog sa iisang kama na kayo ang katabi" Humalukipkip siya. The grin still plastered on his face.

"Dinilaan mo nga ako noon"

He lets out a small laugh. I find it very attractive when I saw him smile like that. "Yeah, let's forget about that. Nakakakilabot"

Sinapak ko siya sa braso. "Baka nakakalimutan mong ikaw ang nag-prisinta na gawin sa'kin 'yon"

"Tumahimik ka na nga. 'Yoko nang maalala pa 'yung nangyare"

"Sus, affected ka?" Tumawa ako.

Ngumuso siya sabay taas ng kilay. "Slight lang"

Humalakhak na ako. "Yieh! Nakakakilabot nga!" Niyugyog ko pa ang buong katawan ko tila ba pinapakita sakanya na nandidiri ako. Kahit sa totoo naman talaga ay hindi.

He smirks sabay tulak sa braso ko. Napasubsob tuloy ako sa couch wala sa oras. "Kunin mo na 'yung alak sa ref niyo"

"Makatulak 'to!"

Audi and Me (Cadre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon