Chapter 31

8.5K 185 44
                                    

Maaga kaming nagising lahat para mag breakfast sa hotel. Kahit may hangover, pinilit namin ang sarili na bumangon kasi minsan lang kami nandito.

Pag dating ng 8:00 a.m bumalik na kami sa mga kwarto para mag bihis at mag-ayos.

Floral tube top na tinatali 'yung likod. Long white skirt. A khaki bikini kung saan strapless ang top. And white birkens. Ito ang outfit ko para sa araw na 'to. Dala dala ko 'rin yung chanel mini backpack para doon ko ilagay ang mga importanteng gamit kagaya ng phone at wallet.

Stef, again, wore a pale white thin strap mid-length summer dress. Naka lavender bikini ito sa ilalim. Two white gold necklaces and hoop earrings. A sling bag. And brown sandals.

Pumasok si Audi sa kwarto na naka dark button down short sleeves na may floral prints

Deze afbeelding leeft onze inhoudsrichtlijnen niet na. Verwijder de afbeelding of upload een andere om verder te gaan met publiceren.

Pumasok si Audi sa kwarto na naka dark button down short sleeves na may floral prints. Bukas ang tatlong butones nito kaya kitang kita ang suot suot niyang cross pendant na kwintas. May Rayban pa na nakasabit sakanyang polo na paniguradong ako 'rin ang magsusuot mamaya. Naka itim siya na board shorts at naka slides uli.

Saktong sinusuot ko na ang bag ko ng lumapit siya saakin at binigyan ako ng halik sa labi as a greeting.

"Okay na kayo?" Kinuha niya bag ko para siya na ang mag bitbit nito "Wala kang nakalimutan?"

Bineso niya si Stef.

"We're good to go!" Si Stef na ang sumagot.

Audi gives me a look, "You good? Ininom mo 'yung gamot na binigay ko sayo?"

Tumango ako sakanya sabay ngiti, "Saan tayo mag tatanghalian ngayon?"

"Hindi pa nga tayo nakakaalis, pagkain nanaman nasa isip mo"

Pagdating namin sa labas ng resort, nandoon na ang van na gagamitin namin. Sa araw kasi na 'to, mag la-land tour kami. Kompleto na ang mga lalake sa labas at mukhang nagkakaguluhan nanaman. Ang aga-aga ang iingay kaagad!

Hindi ko nga lang alam kung pinagtitinginan sila ng mga dumadaan na foreigners and locals dahil sa kaingayan nila o dahil sa mga mukha nila? Both siguro.

"O, wag ipapaupo ang mag jowa sa likod ha at baka may kalokohan pang gawin"

Tinulak ko si Gust sa may paanan ng van. Bukas na ang pintuan nito kaya sumubsob siya saloob.

"Mga maiingay sa likod!" Sagot ko sakanya.

"Sa likod ka 'rin kung ganoon, Wing" natatawa niyang sambit.

Sa huli, nasa front row kami ni Audi naupo. Nasa may window side si Audi, then ako, tapos si Gust. Kasi kailangan daw lalake ang nasa may bandang pintuan ng van— hindi ko na lang tinanong kung bakit, at kung anong logic nanaman ang meroon doon kasi paniguradong ako lang ang mahihilo sa magiging sagot ni Augustine.

Audi and Me (Cadre Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu