Chapter 18

8.5K 189 46
                                    

Sumunod ang mga araw na naging normal lang ang pakikipag-tungo namin ni Audi sa isa't isa. Wala naman nag bago. Makulit parin ako. Suplado parin siya. Tinutulungan niya parin ako sa mga studies ko— minsan na nga lang kasi mas naging super busy siya ngayon.

May bago kasi silang ila-launch na car model sa mga susunod na buwan. Mas lalong naging hectic ang schedules niya, and that's fine by me. Medyo bitter pa ako sa nangyare sa karera pero mukhang naka move on na si Audi tungkol doon. Hindi ko naman binibring-up kasi para saan pa?

"Damien, ano mas maganda?" Tinaas ko ang dalawang crop top sa harapan niya.

'Yung isa straps, 'yung isa shirt.

Tinagilid niya ang kanyang ulo tapos siningkit pa ang kanyang mga mata na para bang iniisip talaga kung ano ang mas bagay saakin.

"Ito" Tinuro niya 'yung straps.

Ngumiti ako sabay lahad sakanyang dibdib nung damit. "Oh, bayaran mo na"

"Bakit ako? Sa'yo 'yan ha"

"Ikaw namili eh, ikaw na bumili"

Blanko lamang ang mukha niyang tinitigan ako. Mas lalong lumawak ang aking ngiti. "Advance birthday gift mo na saakin!"

He rolled his eyes, but took the hanger anyway. I giggled and followed him when he started walking to the cashier counter to pay for the clothing.

Joke ko lang naman iyon noh! Kung hindi naman siya nagpa-uto saakin hindi ko naman siya pipilitin na bilhin 'yung damit. Eh, kinuha niya! Pumayag siya! Marupok 'din.

Siya kasama ko ngayon kasi hindi pwede sina Stef at Audi. Si Stef may gagawin na project sa bahay ng ka blockmate niya. Si Audi busy sa trabaho.

Plano ko sanang ako na lang ang mamamasyal mag-isa. Pero biglang bumisita si Damien sa condo. Siya na lang inaya ko.

"Hoy tange, ano 'to? Isang libo sa isang ganito ka liit na damit?" Nagsalubong ang mga kilay ni Damien habang naglalabas siya ng isang libo na papel sakanyang wallet.

Pati ako nagulat. Isang libo pala 'yon?! Ba't hindi ko namalayan?! Hala!

Kinuha ko kaagad wallet ko para ako na lang magbayad sa damit, ngunit napatigil 'rin ng may sumagi sa ulo ko-- kunot noo 'kong tinignan si Damien. Sinadya niyang hampasin 'yung paper bag saakin pagkatapos niyang kunin ito sa cashier!

"Aray ha!" Angal ko kaagad. Si ateng cashier sa likod ay nagawa pang tumawa ng mahina.

"Okay na. Binayaran ko na. Tabi mo na wallet mo"

"Boyfriend mo miss?" Itong si ateng cashier masyadong chismosa.

Sabay namin siyang nilingon ni Damien at sabay 'rin kaming umiling. "Si Audi po boyfriend ko, miss"

Damien chuckled. The cashier looked confused. Saktong hawak hawak ko lang telepono ko kaya pinakita ko sakanya ang lockscreen wallpaper ko.

"Ito po oh"

Siningkit niya pa ang kanyang mga mata para makita ng klaro ang picture. Wala pang limang segundo ng tumuwid ito ng tayo, sapo-sapo na ang kanyang bibig.

"Weh, miss?" Ika nito.

Hampasin ko kaya siya ng isang sakong bigas?

"Nakakaoffend ka naman miss" Prangka ko na ikinatawa na ng tuluyan ni Damien. "Meron kaming couple picture, gusto mong makita?"

Tumawa siya ng aso saakin. "Ah! Hindi po iyon ang ibig kong sabihin ma'am! Masyado po kasing good to be true 'tong nasa cellphone niyo! Akala ko po modelo o 'di kaya artista sa ibang bansa!"

Audi and Me (Cadre Series #1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora