Chapter 2

11.7K 316 71
                                    

Maging prosti na lang kaya ako?

Hindi 'rin. Feel ko walang titikim saakin. Ikaw ba naman flat. I mean, maganda naman ako. Syempre! Maganda talaga ako 'noh! Bigyan ko pa nga kayo kung gusto niyo! Ngunit, maliit lang akong babae. Mga nasa 5'3 lang height ko. Mahaba ang mga buhok kong kulay itim. Nasubukan ko na 'rin magpa bangs sauna, full bangs! Ang cute ko 'raw ika nila. Pero mas maganda parin ako kapag walang bangs. 'Yun feel ko. At mas bet ko 'tong nasa gitna ang hati ng buhok ko.

Mahahaba ang mga pilik mata ko. Straight shape ang makapal kong mga kilay. Makapal ang labi ko, hindi 'rin ganoon ka kapal na parang nagpa-inject, normal at sakto lang ito sa laki at kapal. Pwede nang maging anak ni Angelina Jolie. Nanay ko talaga siya, actually. Matangos ang ilong ko at kapag napag-uusapan ang asset, palagi akong sinasabihan na gusto nila ang hugis ng aking mga mata. Para 'raw kasing cat eyes— literal. Yung hugis ng aking mata ay medyo bilog at upturned, at ito 'rin 'daw ang dahilan kung bakit ang suplada kong tignan kapag naka poker face.

Maganda naman ang hubog ng katawan pero yun nga lang, flat. Hindi naman sa flat. May umbok naman. Lumiliit nga lang ito kapag tinatabihan ako ni Stef.

"Eh kung magtrabaho ka na lang kaya as a waitress muna?" Napaewan naman mukha ko sa sinabi ni Stef. Nandito kami ngayon, kumakain sa Mcdo.

"Satingin mo sa beauty ko? Pang waitress, ha?"

"Kapal 'rin nang mukha nito" Sumubo ito nang french fries sa bibig niya, "What is beauty if your brain is empty!"

"Anak nang tokwa—" Kinuha ko buhok niya, "Ang sama mo" Naiiyak kong sambit sakanya. Tuwang tuwa naman siya dahil sa ekspresyon sa mukha ko sabay kuha nang kanyang buhok mula saakin.

"Ano kaba bes, truth hurts talaga"

"Shut up ka nga, 'kala mo naman super talino mo. Mas marunong ka lang naman mag spelling saakin ng kakaunti!"

"Kung mag prosti ka na lang kaya? Tutal, kagaya nga nang sinabi mo, maganda ka. Baka swertehin ka at makatyempo ka nang sugar dadey!"

"Napag-isipan ko nga 'rin. Marami kang kilala 'dyan sa environment mo, diba?"

Bigla naman niya akong sinapak sa braso.

"Aray ha!"

"Gaga!"

"Gaga ka 'rin! Niloloko lang kita. Akala mo naman gagawin ko talaga. 'E na 'kay Audi the monster lang naman ako nakatingin" Tapos parang may pumasok sa kokote ko, "Hala" Tinignan ko si Stef na may ngiti sa labi, "Paano kung kay Audi na lang ako maging prosti? Omg! Kilig ako if ever!"

Pero sa loob-looban ko, hindi ko talaga gusto maging prosti ni Audi, kasi hello? Una sa lahat, hindi niya ako tinanggap, pangawala, pinag-spelling niya ako nung highschool at pangatlo, hindi man lang siya ngumiti saakin nung nagkita uli kami—- ay wait. Hindi nga pala ngumingiti lalakeng 'yon.

Hindi kami friends ngayon kaya hindi ko muna siya crush. Bahala siya. Kakalimutan ko na talaga siya. Forever.

Nanermon nanaman ang lola niyo, porke nagtatrabaho sa resort nila Blue as a receptionist. Feel na feel niya naman ang kagandahan niya. Meant to be daw sila ni Blue kasi ganyan daw at tyaka ganyan. Haler? Ni hindi niya pa nga nakikita si Blue ever since graduation.

Feeler 'rin si Stef all the times.

"Hay nako, Wing! Kailangan ko na palang umalis! Tignan mo yung oras 'o!" Nagmamadaling tugon nang babaeng 'to. "Magagalit ang mudrabells!"

Agad agad siyang nag-ayos, sinubukan niyang ipasok sa bibig niya ang lahat nang inorder niya. Ako naman 'tong napatingin sa orasan—- which I remember na wala pala akong relo so kinuha ko ang phone para tignan kung anong oras na.

Audi and Me (Cadre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon