Chapter 11

9.1K 293 95
                                    

"Mag palda ka tapos wag ka na mag panty"

"Tanga! Hindi ako ganoon ka desperada 'no!"

"Relax girl, advice lang 'yon as a bestfriend mo. Alam mo naman na gustong gusto kong nakikita kang masaya"

Nagmukha ng ukay-ukay itong kwarto ko dahil kanina pa kami nag hahanap ng pwedeng maidamit sa date namin ni Audi mamaya! Ang aga pa naman akong ginising ni Stef para lang makapag-prepare. Mas excited pa siya kesa saakin.

Kinuha ni Stef sa isang drawer 'yung regalo niya saakin nung last birthday ko. Isang black set ng lingerie. Namula kaagad ako nung makita ito.

"Stef naman!"

Tinaas niya dalawa niyang kilay habang iniistretch pa 'yung lace panty na set. Lumiliwanag ang kanyang mga mata habang tinitignan ito.

"Hindi natin alam, bes. Mas maganda na 'yung prepared"

Hinagis ko sakanya 'yung napulot kong damit sa sahig. "Mag lulunch lang kami! Kakain lang kami! 'Yun lang gagawin namin!"

She rolled her eyes. Humor sparkling in her eyes. Nilapag niya sa kama ko 'yung lace panty at bra.

"Kakain nga lang kayo" pilyong sabi niya. Nakangisi na ngayon. "Pero may sinabi ba siyang pagkain kakainin niyo? Malay mo iba pala kainin niyo for lunch. Hays nako, girl. Hindi ka advance mag-isip"

Kasing pula ko na ang kamatis sa sobrang pula. Kinuha ko tuloy 'yung phone ko at tinext si Audi.



To: Audi inaya ako sa date

Audi pagkain kakainin natin diba?!



Tinaasan ko ng kilay si Stef na ngayon ay humahalakhak na sa kama.

Pinagpatuloy ko lang ang paghahanap ng magandang damit habang hinihintay ang reply ni Audi. Puros naman daldal 'tong si Stef ng kung ano ano hanggang sa dumating sa point na hindi ko na siya maitindihan.

"Alam mo bang may nag photoshoot uli sa resort nila Blue? But not in the main one though, doon sila kung nasaan ako nag papart-time. And girl! Ang pogi sana nung model pero nakaka bad trip!"

"Oh?"

Hinagis ko ang mga dress na binili saakin ni Stef sa isang sulok. Mapapahamak tayo wala sa oras kapag nag dress o skirt ako.

"Ang yabang!"

"Bakit? 'Nu ba ginawa sayo?"

Tinignan ko 'yung phone ko. Wala parin reply si Audi.

"Wala!"

"Wala naman pala e"

"Nakakairita lang 'yung dating. Alam mo 'yon? 'Yung ganoon na feeling?"

Bahala na nga! Kung anong usual outfit ko 'yon na lang susuotin ko! Tuloy parin si Stef sa pagdadaldal hanggang sa makita niya akong nagliligpit na. Bago ako pumasok sa cr para maligo binigyan atensyon ko muli 'yung phone ko kung meron ng text si Audi. Pero wala parin.

Nag kibit balikat na lang ako at tyaka naligo.

Nag suot lang ako ng wide-leg black trousers na high waisted at isang denim top na tube. Paparesan ko lang ng black platform sandals ang mga ito.

 Paparesan ko lang ng black platform sandals ang mga ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now