Chapter 13

9.4K 235 54
                                    

"Ayoko na Audi! Ang sakit na ng ulo ko!" Mangiyak ngiyak akong nagdabog sakanya. Sinarado ko ang libro sabay tulak nito palayo saakin.

Tumigil naman siya sa pag ta-type sakanyang kompyuter at tinignan ako ng matalim.

"Give me one of the three phases of benchmarking" sumandal siya sakanyang upuan at taas noo akong sinubukan. "Isa lang hinihingi ko, ha kaya wag m—"

Tumigil siya sa pagsasalita ng kunin ko uli 'yung libro sabay bukas dito. I pouted. "Wala naman kasing pumapasok sa utak ko kahit anong basa ko, e"

Since malapit na exams namin, siya mismo nagsabi na magiging tutor ko siya. Ayaw niya akong umuuwi ng diretso galing school. Ayaw niya 'din na puros kami date. Tatlong date pa nga nagagawa namin, 'yung araw na naging kami which is Saturday, noong Sunday, tapos kahapon! Tatlong araw pa kaming mag-on pero nasasakal na ako! Char.

"Exams will be next next week right?"

Sinulyapan ko siya ng tingin mula sa libro. Ngayon may sina-sign siyang mga papeles.

"Bakit mo ba ako binabantayan?" Nakanguso kong tanong sakanya.

"Excuse me?" He arched a brow.

"Pwede naman ako mag-aral ng mag-isa sa condo, ah"

"Sigurado ka bang mag-aaral ka?"

"Hindi ka naniniwala? Bakit ba gusto mo akong mag-aral?"

"Wing," Tumigil siya sa ginagawa at tuluyan na akong tinignan. "Are you aware of your own IQ?"

"Hindi ko nga alam, Audi kung meron akong ganon"

Malalim na bumuntong hininga si Audi sabay yuko ng ulo. Sinapo ng isa niyang kamay ang kanyang bibig at pumikit ito ng mariin. Hindi ko alam kung anong nangyayare dito kay Audi pero ba't parang tumataas baba pa ang kanyang mga balikat? Tumatawa siya? Pinipigilan?

"Okay ka lang, Audi?"

Audi waves a lazy hand, "Ano, ayaw mong mag-aral?"

Umiling ako. "Wala akong gana"

He shrugs, "I'm not forcing you, then"

"So pwede na akong umuwi?"

Sandali, ba't parang mali ata ang natanong kong tanong?

"The door's wide open for you. Umuwi ka kung gusto mo" Binalik ni Audi ang atensyon sakanyang mga papel.

"Pinapauwi mo ako, Audi?"

"Ano?"

Kinagat ko labi ko habang pinagmamasdan ko siyang seryoso sakanyang trabaho.

Patay ka, Wing. Nakalimutan mong pikon nga pala 'tong crush mo. Wrong question talaga! Hindi ko naman gustong umuwi, eh!

Kinatok ko ng dalawang beses 'yung coffee table para makuha ko atensyon niya. He looked at me through his lashes while still doing his paper works.

"Dito lang ako" sabi ko sabay ngiti.

Tumigil siya. Napatitig saakin wala sa oras. Binaba niya ang ballpen bago ako tinignan ng mabuti.

"Dito ka lang?" Tanong niya sa malalim na boses.

Tumango ako. "Dito lang ako"

Tumagal ang titig niya saakin ng mga ilang segundo. Hindi ko alam kung anong meron pero para siyang may naalala sa sinabi ko. Lumambot kasi ang ekspresyon niya sa mukha.

Nilagay ko sa likod ng mga tenga ko ang kaunting hibla ng aking buhok. Tumagilid para mahalungkat ang bag. "Bibili lang ako ng dinner natin, Audi. Nagugutom na kasi ako, ano gusto mo?"

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now