Chapter 30

9K 207 18
                                    

"Engot engot ka 'rin minsan, ano? Alam mo na ngang aalis na tayo ngayon, ngayon ka 'din mag-aayos ng mga gamit mo"

Binagsak ko lahat sa kama ang mga gamit na dadalhin ko. Tinignan ko ng masama si Audi na ngayon ay tinutupi ang aking mga damit sa maleta kong itim.

"Ngayon lang 'din ako nakabalik dito sa condo, Audi. Wala naman sa bahay ang mga kailangan ko kaya pwede bang wag mo muna akong sungitan ngayon at kulang ako sa tulog"

He raised a brow. "Nahiya jet lag ko sayo, ah"

Ba't ba tinotopak nanaman 'tong lalakeng 'to ha?! Nagkamot na lang ako ng ulo at kinuha ang twalya ko para makaligo na.

"Ang bagal mong kumilos, alam mo ba 'yon? Wing, may naghihintay, mahiya ka"

"Alam ko!"

Inis kong binalik ang twalya sa sabitanan at kinuha na lamang ang damit na susuotin ko ngayon.

"Hindi na nga maliligo, 'e! Maghihilamos na lang!"

Ewan ko kung anong meron sa umagang 'to at wala kami sa mood ni Audi. Siguro dahil siya, jetlag at puyat— ako, puyat. Halos matapilok na nga ako sa kakatakbo sa kung saan-saan. Na late pa ako ng gising kanina kaya nagmamadali akong kumilos! Medyo malayo pa naman ang airport dito kaya kailangan talagang maaga umalis kung ayaw namin maiwanan ng eroplano.

Nasa salas sina Stef, Damien, Gust at Clay. Yung iba, didiretso na lang 'daw sa airport. Hindi ko 'rin maitindihan si Audi kung bakit kailangan pa niyang pumunta dito. Kung sesermonan niya lang pala ako, edi sana nauna na lang siya sa airport! Mas lalo lang akong na-ha-high blood sakanya.

Papasok na sana uli ako sa cr nang kinuha ni Audi ang twalya at walang hiyang binato saakin.

"Don't give me that attitude" he said, eyebrows furrowed. "Go and take a shower. Make it fast"

Inirapan ko siya bago ko sinarado ang pintuan sa cr. Usual bathing routine ko ang magkalamansi pero dahil nagmamadali na nga, hindi na ako nagkalamansi! Kesa sa 30 minutes ko ibabad ang buhok ko sa conditioner, pagkatapos kong ikalat sa buhok— banlaw kaagad! Pati pag lagay sa lotion halos isang haplos lang ang ginawa ko!

Muntik na nga akong ma-slide nung naglalakad na ako papuntang closet.

"For fuck's sake, Wing. Be careful"

"Sorry na! Buhay pa diba?!"

He glared. I pouted. Bilis bilisan akong nag suot ng damit. Black cargo pants, brown and white halter top, at white shoes. Ginamit ko 'rin ang binigay saakin na mini backpack ni Cleobella. 'Yung itim na Chanel.

Nagsusuklay na ako ng basang buhok ng matapos na si Audi sa pag-aayos ng mga gamit ko sa maleta

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagsusuklay na ako ng basang buhok ng matapos na si Audi sa pag-aayos ng mga gamit ko sa maleta. Isasarado na niya sana ito ng may maalala siya.

"8 undergarments. 3 tshirts. 5 crop tops. 4 shorts. 1 hoodie. 1 dress. 4 bikinis. A white birkenstocks. And a pouch that I think is your bathroom essentials? Did I miss something? Did your forget anything?"

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now