Chapter 35

6.5K 132 2
                                    

"Mag o-overtime ka nanaman ba?" I softly asked Audi over the line. Isang linggo na ang nakaraan and still, problema parin ang kompanya.

[Yes, but I can still pick you up and take you home. Babalik 'din ako kaagad dito para tapusin 'tong ginagawa ko ngayon] Rinig na rinig ko ang pagod sa boses niya. Sinuot ko na ang aking bag at umiling, kahit naman hindi niya ito nakikita.

"Okay lang, Audi. Sasabay na lang ako kay Stef" Malambing 'kong tugon habang palakad na ako palabas ng building namin. Nasulyapan ko si Cleobella sa 'di kalayuan at ng makalapit ito saakin ay sinadya niyang banggain ang balikat ko. Masyado na akong pagod para tarayan siya pabalik. Pinili ko na lamang na hindi siya pansinin. "Kumain ka ng dinner ha. Wag kang magpapalipas ng gutom"

[I will..] I can see him massaging his temples right now. [I'll get back to work now. Mamaya na lang uli tayo mag-usap]

Tumango ako. "Sige. Yung gamot, Audi. Inomin mo 'rin yon" alala ko sakanya.

[Mmh-hmm. Ingat kayo ni Stef]

"Love you. Bye"

Binaba ko na ang tawag. Kasabay non ay ang pagbagsak ng aking mga balikat. Humugot ako ng isang malalim na hininga bago nagpatuloy sa paglalakad.

Pinuntahan ko kaagad si Stef sakanyang department ng mag text itong tapos na sila. Bago kami umuwi, dumaan muna kami ng mall para bilhin ang mga kailangan niya sa isang output.

Panay ang tingin ko sa cellphone ko kahit alam kong wala akong makukuhang text galing kay Audi sa sobrang busy niya sa trabaho. Pero 8 na sa gabi, at hindi parin siya nag tetext saakin na nakauwi na siya. Ibig sabihin lang non, hindi parin siya umuuwi hanggang ngayon.

Napabuntong hininga na lang ako. Palagi na lang siyang nag o-overtime, ako ang kinakabahan para sakanya.

Baka makalbo na 'yon sa sobrang stress!

"Wing" Bigla akong kinalabit ni Stef habang naglalakad kami papuntang bookstore. Nilingon ko siya.

"Bakit?" Taas ang dalawang kilay kong nagtanong.

"Tell me I'm wrong" She said in a low voice. "Is that... tito?"

Sinundan ko ng tingin ang kanyang nginungusuan ngayon, at napaawang ako ng bibig ng makita ang tatay kong nasaloob ng isang fast food restaurant. May buhat buhat na bata.

Napahinto ako sa paglalakad. Ramdam ko ang kaba ni Stef saaking tabi. Ilang saglit 'din akong tumunganga sa direksyon ng tatay ko bago ko napagdesisyunan na maglakad na uli. Sumikip ang aking dibdib pero hindi ko ito pinansin.

"Bes..." Hinawakan ni Stef ang aking siko pero hindi niya ako hininto sa paglalakad. "Maybe it was just—"

"May bata, Stef" I said. Dismissing the topic.

Tumahimik na lamang siya at tumango. She gave me a sad look and I glared at her. Alam niyang ayaw kong inaawaan ako. Napailing na lamang siya. Napailing na lang 'rin ako.

Tinignan ko uli ang aking phone sa hindi ko alam na dahilan. "Uuwi muna ako ngayon saamin"

"I'll drive you there then"

Hindi na maganda ang mood ko pagkatapos ng nakita pero sinigurado kong hindi maa-awkwardan si Stef dahil sa nangyare. Ayaw ko 'rin siyang mag-alala dahil lang don. As much as possible I tried lifting up the mood inside the car.

Pagkarating ko sa bahay, nagulat pa si mama ng umuwi ako.

"Anak ng—" Sabi niya pagbukas niya ng gate at ako ang bumungad sakanya, "Itong batang 'to! Uuwi tapos hindi magsasabi! Jusko! Kagulat ka!"

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now