Chapter 42

5.9K 149 13
                                    

Hindi umuwi si Audi sa condo.

Pag gising ko sa umaga, nakita ko ang dalawang bata na kumakain ng cereal sa breakfast table. Naghilamos naman na ako at naghugas ng mukha. Pero alam kong halata parin saakin ang puyat.

Wala akong ibang inisip kagabi kundi si Audi.

"Good morning" Nakangiting bati ni Chrysler saakin.

"Morning" saad naman ni Lambo.

I gave them a small smile sabay tinabihan sila ng upo sa lamesa. Suot suot ko ngayon ang shirt ni Audi kasi kahit nagkaroon kami ng malalang away kagabi, I still find his things comforting.

"Uhm," Paninimula ko. Inusog naman ni Chrsyler ang box ng cereal sa direksyon ko. Tapos si Lambo naman ang naglagay ng gatas sa tabi ko. Ngumiti ako ng aso. "Hindi umuwi kuya niyo kagabi?"

Nagkatinginan sila.

I do not know kung anong purpose ng kasunod na kwarto sa kwarto ni Audi, but I am confident enough na hindi aabot sa salas ang mga boses namin dahil dito.

Sana nga.

"Umuwi si kuya" si Lambo sabay subo sakanyang cereal. Ngumuya nguya muna ito at nilunok ang kinakain bago uli magsalita. "Kanina nga lang"

Nagkibit balikat ito samantalang ang akin, bumagsak.

"You should eat" Chrysler said, gesturing me the box of cereal, "Pumasok na sa trabaho si kuya"

Trabaho. Of course. Trabaho. Siguro hindi muna ngayon, pero pupuntahan ko siya sa trabaho niya para makapag-usap kami ng maayos.

Tumayo ako para kumuha ng bowl. "Gusto niyo ng juice?" Tanong ko sakanila.

"Fresh" Lambo said. "Ayoko ng powdered"

"Same"

Ay. Okay. Magkuya nga sila. Pati si Audi ayaw ng powdered.

Kinuha ko ang fresh mango juice ni Audi sa ref at bumalik sa lamesa. Nilapag ko rin ang tatlong baso roon bago ako umupo uli sa tabi nila.

"Wingreline Hail Pardox nga pala" pagpapakilala ko habang naglalagay ng cereal sa bowl. "Kamust—" huminto kaagad ako sa kalagitnaan ng mapagtantong mga bata pa ito, at hindi ko pwedeng itanong sakanila ang kalagayan ng ate nila.

Tumikhim ako at kinuha ang gatas. "Uh, so, I thought sa Canada kayo nag-aaral? No school?"

Gusto ko lang naman malaman kung bakit biglang umuwi si Audi kasama ang kanyang mga kapatid. Ni hindi siya nagsabi.

"Hindi ko alam kay kuya. Sabi niya kailangan niya ng umuwi. Ate is currently doing fine and recovering and walang magbabantay saamin sa bahay. Sumama na kami dito"

Napatango tango ako sa sinabi ni Chrysler. Ang bata bata pa pero ang galing ng makipag-usap. Talagang nahasa sa labas.

Sinubukan abutin ni Lambo ang pitchel ng juice pero masyadong maikli ang kanyang mga kamay kaya ako na ang nagsalin sakanyang baso.

"Next school year, dito na kami mag-aaral" sabi niya. Sumimsim ito sakanyang baso bago uli nagsalita. "If hermana will completely recover, tuluyan na kaming lilipat dito uli"

Kumunot noo ko. "Hermana?"

"It's Spanish for sister"

Ate nila.

Si Porsche.

Porsche is doing fine now. That's good. Buti naman. Nawalan ng isang tinik ang puso ko.

Ilang minuto rin kaming kumain ng tahimik sa hapag kainan. Puros tunog ng nguya namin ang maririnig mo at panay rin ang tingin ng dalawa sa mukha ko.

Audi and Me (Cadre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon