Chapter 39

5.6K 147 40
                                    

Tulala akong nakatitig ngayon sa pregnancy test na ginamit ko kani-kanina lang.

Oh my god.

Oh my god.

Oh my god.

"Putangina, Wing" kanina pa mura ng mura si Stef to the point naiinis na nga ako. Hinayaan ko siyang hablutin ang pt mula sa kamay ko at pinagmasdan niya uli ito ng maigi. "Putangina na lang talaga"

Binaliktad pa niya ito para lang makita kung totoo nga ba ang nakalagay.

Dalawang linya.

Buntis ako.

"Nagpi-pills ka naman diba?" Mga mata ni Stef ay parang makakapatay na ng tao sa sobrang galit at iritasyon. Umupo siya sa tabi ko sabay hila ng aking buhok pababa. "Sumagot ka, Wingreline!"

Inis kong tinampal ang kanyang kamay palayo saakin. "Ano ba, Stef! Dahan dahan ka nga! Kita mong buntis na nga yung tao!"

Nako, kahit best friend ko 'toh kapag ako inatake ng mood swing ipapahatak ko talaga siya sa security.

"Wingreline Hail Pardox" bumuntong hininga siya, "Anong katangahan nanaman ba 'toh?"

Grabe naman 'toh kung maka tanga. Hindi ko na napigilan ang sarili at tinignan ko na siya ng masama. Ba't ba galit na galit siya hah?! Eh, hindi naman siya ang nabuntis ng maaga. Napaka-caring naman ata ng bestfriend ko.

"Tanong mo kay Audi kung bakit ang hilig iputok sa loob" Casual kong tugon kaya nakakuha nanaman ako ng palo sa hita.

"Wing!"

"Joke. Eto na nga o, magseseryoso na" nag peace sign ako. "Nag pipills ako. Hindi ko pwedeng kalimutan mag take 'noh"

"Oh, ba't nagkaganito?!"

Kibit balikat.

"Alam mo naman si Audi" Sinimulan ko ng i-replay sa utak ko kung ilang beses kami nag-aano sa isang araw at kung gaano kadalas. "Kahit naman siguro pills hindi kakayanin kapag halos everyday niyo ginagawa, diba? 99% effective lang naman 'yung pills. Talagang minalas ako at napunta ako sa 1%"

Kaya gusto ni Audi ng birth control shot, eh. Sa hindi naman kami makahanap ng oras para pumuntang ob.

Sinapo ni Stef ang kanyang noo.

Sumandal naman ako sa backrest ng sofa sabay hingang malalim.

Tumahimik kaming saglit—— at para bang ngayon lang pumasok sa kokote ko na buntis talaga ako.

Sheyt.

Buntis ako.

I have a child in my womb now.

Sheyt.

Napasapo na 'rin ako sa noo ko dahil nasampal na ako ng realidad na may bata na nga akong dinadala ngayon.

"Wing.." rinig kong tawag saakin ni Stef sa mahina at mahinahon na boses. "I know you.."

Para akong nahina sa hindi ko alam na dahilan.

"You don't want this"

Wala sa oras akong napatulala sa kawalan.

"I know you're not ready for this"

Tama naman siya.

I am not ready for this. I don't want this.

"Alam mong nandito lang ako para sayo diba? You do know that my mom can do... alam mo na"

Abortion.

Wala sa sarili akong tumango tango.

I wanna do abortion.

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now