Chapter 37

5.7K 152 2
                                    

Malalim akong napabuntong hininga. Paulit ulit kong inaalala ang sinabi ni Gust saaking isip. Porsche. Car accident. Nagsimulang sumakit ang aking ulo sa mga iniisip. I leaned forward and rested both of my elbows on my thighs. Hinagod naman kaagad ni mama ang likod ko, "Sige na anak, puntahan mo muna si Audi"

Umiling iling ako sabay punas saaking mga luha. "Ma, naman. Ayokong iwan ka dito pagkatapos ng nangyare kay papa"

Hindi ko kaya. Nag-aalala ako ngayon kay Audi pero inaalala ko 'rin ang nanay ko. Gustong gusto ko ng puntahan si Audi pero hindi ko magawang iwan ng mag-isa si mama dito.

Itong taong 'toh ang bumuhay saakin. My mom never treated me badly kaya bakit ko sya iiwan sa oras na kailangan na kailangan niya ang anak niya? I don't want her to think that I will prioritize everyone over her. I can't let romantic love blind me from my family.

"Anak.." Marahan na kinuha ni mama ang aking mukha gamit ng kanyang dalawang kamay at iniharap ako sakanya. "Ngayon na alam ko na hindi mo ako iiwan sa mga ganitong sitwasyon, mas lalo lang akong nakokonsensya"

I leaned onto her touch. She's going to sacrifice herself again and I'm not ready for it.

"Gaano mo ba kamahal si, Audi anak?" Malambot niyang tanong kaya tumulo uli ang aking luha ng hindi ko namamalayan. "Mahal mo ba talaga siya?"

"Sagad, ma" nabasag uli ang aking boses. "Mahal na mahal ko po 'yung tao"

Malumanay siyang ngumiti saakin.

"Puntahan mo na"

"Ma.."

Pinisil niya ang mga pisngi ko. "Anak, kailangan ka ni Audi ngayon"

"Kayo 'rin naman, ah"

Pilit itong ngumiti saakin. "At least alam ko ng mananatili ka sa tabi ko sa mga ganitong sitwasyon. Sapat na 'yon saakin, Wing. Si Audi, wala siyang makakapitan ngayon kundi ikaw lang"

Sumikip dibdib ko sa huling linya niya. Barado na ang aking lalamunan at ilong to the point na nahihirapan na akong magsalita. Sobrang bigat ng pakiramdam ko sa dibdib kaya tumango na lang ako ng tumango, hindi na alam kung anong gagawin pa.

Ngumiti uli saakin si mama bago niya ako hinalikan sa noo. "Buhay mo muna ang unahin mo, Wing. Buhay mo. Hindi saakin. Hindi kahit kanino. Buhay mo"

Tumahimik na lamang ako at hinayaan ang sarili na manlumo sa mga pangyayare ngayon. Sinubukan ko uling tawagan si Audi, pero cannot be reach parin. Hindi ko alam kung mabwibwisit ako o hindi. Nakakainis naman kasi si Audi ayaw sagutin eh.

Si Gust ang tumawag uli at sinabihan akong malapit na 'raw siya saamin. Kahit naman wala akong sinabi sakanya na sunduin ako— dumating parin siya.

Dalawang beses itong nag mano sa nanay ko— he said his greetings first sa unang mano, then said his goodbyes sa pangalawang mano.

Hindi ko na lang pinansin at niyakap na lamang si mama ng sobrang higpit. "Uuwi 'rin ako dito ma—"

Pinutol na niya kaagad ang sasabihin ko. "Wing, kakasabi ko lang na unahin mo buhay mo diba? Relasyon namin 'to ng papa mo. Kami mag-aayos. Wag mo na kami problemahin ng tatay mo"

Halos manliit si Gust sa likod ko ng tignan siya ng matalim ni mama.

"Ayusin mo pagmamaneho mo, hijo at tignan mo ang nangyare sa kapatid ng jowa ng anak ko na kaibigan mo pala"

Audi and Me (Cadre Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz