Chapter 10

9.7K 220 74
                                    

"Sir Leorouge is very strict with time and rules. A minute late means a reduce in your salary. More than a minute, times two. 30 minutes and you're fired"

Napatango tango ako sa sinabi ni Bridget Simona habang pinapanood siyang ayusin ang kanyang lamesa na punong puno ng mga papeles. Siya yung secretary ni Audi at siya 'rin ang bumungad saakin kaagad nung pinaakyat ako nung desk clerk sa floor na 'to.

Nandito kami sa office niya.

Oo, may office siya. Sariling kwarto. Hindi naman gano'n kalakihan pero ang ganda ng interior design. One wall was made of glass, overviewing the living city below. Two office tables— one on the right, one on the left. An alcove shelves on the the farthest wall on my right. Large paintings placed on the walls. And a sitting place on the far left. One grey couch and two single chair all organized in a formal way, a dark grey wooden coffee table in the middle and a white carpet below the furniture.

Kaloka.

Magkano kaya lahat ng 'to kapag binenta. Laki siguro ng makukuha ko.

"Sir Leorouge expects a coffee on his table as soon as he arrives in his office. Kahit sabihin weekends ka lang nandito, you still need to do it. You will do it. Ayaw niya ng tanga-tanga sa trabaho kaya galingan mo" Bridget is a tall slender woman with a charming strict face and a nice body. Hinarap niya ako ng nakataas ang kilay nito bago niya ituro ang lamesa sa right. "That will be your table. Akin naman ang ito," sabay hawak sa lamesa niya.

"For seven days, sir Leorouge wants me to properly teach you how to be his secretary. See that?" Tinuro niya yung parang intercom sa wall na malapit sa lamesa niya. "That's personal use. Only exclusive for sir Leorouge's call. Hindi mo kailangan sagutin 'yan, at dumiretso ka lang sa office niya. You only have five minutes to do that. If you're not in his office after five minutes of his calling, then good luck"

Tumango tango uli ako. Medyo gets naman. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa likod at tyaka kinalikot ang aking mga daliri.

"In any minute now, parating na si sir Leorouge. Dapat sa mga oras na 'to, kumukuha kana ng coffee niya" May kinalikot siya sa bag niya at naglakad na palapit saakin.

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa, tapos kumunot noo niya.

"Sling bag? Are you serious?" Maarteng tanong niya na parang ikakamatay niya ang pagdadala ko ng sling bag.

Haler! Hindi ako mahilig sa shoulder bag kaya mas gusto kong mag sling bag or mini backpack! Konti lang naman 'din ang dinadala ko everyday kaya hindi na kailangan ng shoulder bag.

"Masisisante ba ako kapag ito dinala ko?" Inosente kong tanong sakanya. Umirap lang ito saakin bago ako lagpasan.

"Ilapag mo 'yan sa lamesa mo. Ayaw ni sir Leorouge na may bitbit-bitbit kang ibang bagay na hindi konektado sa pinapagawa niya"

Ngumuso ako sa narinig. Masyado talagang demanding 'toh si Audi. Naging CEO lang eh! Lumapit na lang ako sa lamesa ko daw at nilapag ang black-chained sling bag ko don. Kakalabas ko pa lang sa phone ko nung sinita na kaagad ako ni Bridget.

"No phones"

Sabi ko nga.

Wallet lang ang kinuha ko at pagkatapos ay lumabas na kaagad kami ni Bridget patungo sa coffee shop ng kompanyang ito.

Paglabas namin, agad siyang nagtuturo-turo sa kung saan— "Lalabas ka dito, after another glass wall, makikita mo na ang isolated na office ni sir Leorouge. Nandon sa pinaka kanan mo naman ang cr. Bago ka makarating don, may madadaanan kang mini library. Sir Leorouge likes to read, and every floor has its own mini library for relaxing. Kung tapos kana lahat sa trabaho mo, pwede kang stumand-by don. But keep in mind na dapat cleared na lahat at baka bigla na lang tumawag si Sir sa intercom at wala ka nung mangyare 'yon. Edi patay na trabaho mo don palang"

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now