Chapter 52

9K 194 28
                                    

At the same night, nagkaroon ng captain's ball. Alam niyo na kung para kanino talaga ito. Hindi na ako nagulat pa ng makatanggap ng VIP invitation cards ang buong barkada. Pakitang tao 'din 'tong si Kapitan. Nagpapapansin talaga kay Audi at sa barkada. Gusto ata ng free car. Hmp.

Nagsuot lang ako ng maikling silk dress na kulay puti. Pinaresan ng puting heels. At naglagay ng kaunting make up. 'Di naman kailangan magpaganda para sa kapitan. Sino naman siya. Boss mo. Oo nga pala.

Bago dumating si Audi sa cabin namin ni Stef, kinuha ko kaagad ang binigay na bracelet ni Audi saakin dati. Tinago ko talaga ito kahit gustong gusto ko ng isanla. Syempre, ginawa ko ang lahat para makalimot nung nag break kami. Pero kahit anong udyok ko sa sarili na itapon, isanla, o ibenta ang lahat ng binigay niya saakin— hindi ko magawa. Buti na lang talaga hindi ko ito pinakailaman at magkakaroon pa ata ng problema kung sinanla ko talaga 'tong bracelet na 'to ngayon na nagbalikan na kami ni Audi!

Sabi nga ni Stef saakin, bigay ko na lang 'daw sakanya. Sinabunutan ko nga. Kapal 'rin ng mukha.

May nag ding-dong sa pintuan pero binabalik ko na ang box ng bracelet sa cabinet.

"Ako na! Kahit alam kong boypren mo 'to. Ako na!" Suplada nitong ika sabay naglakad para pagbuksan ng pinto si Audi. "Hi, Audi. May dala ka?"

Nagmadali akong tumingin sa salamin para tignan ang sarili sabay lingon kaagad kay Audi ng mapansin kong pumasok na ito sa kwarto. "Hi, Audi!"

Sumunod ang naka-cross arms na Stef mula sa likuran ni Audi— na ngayon ay nakasuot ng simpleng puting long sleeves na naka tupi hanggang siko. Bukas ang dalawang butones ng kanyang long sleeves at naka tucked in sa itim niyang slacks.

Agad akong lumapit sakanya, "Nasaan flowers ko?"

Kumunot noo niya. I giggled.

"Joke lang. Kiss mo na lang ako" Ngumuso ako.

Audi gently slid a hand around my waist and held me tight before leaning down to give me a kiss on the lips. "Why do I like white on you now"

I beamed at him "Maganda kasi girlfriend mo, Audi"

Narinig kong umubo ng peke si Stef. "Ew" she whispered but I heard!

Nilagay ko kamay ko sa dibdib ni Audi sabay sabing, "Walang dilig 'yan ng isang linggo kaya suplada"

"Bruha!" Stef shouted. Namumula na ang buong mukha.

Tumawa lang ako. Guilty.

Hindi na kami nagtagal sa cabin at dumiretso na kami sa venue ng Captain's Ball. 'Roon namin nadatnan ang buong barkada na nanguna ng kumain kahit hindi pa nagsisimula ang party. Sabi ni Gust, sinabihan 'raw sila ng kapitan na kumain na kung nagugutom na 'raw sila. Nainggit ako at inaya kaagad si Audi na kumain. Si Kapitan talaga!

"Sit down, ako na kukuha ng pagkain natin" Sabi ni Audi saakin pagkatapos niya akong ihatid sa lamesa namin.

"Audi, madaling maubos 'yung king crabs kaya 'yun kaagad kunin mo. Damihan mo ha!"

"Hindi ka mauubusan"

"At pano mo naman nasabi?"

He smirked, "If I tell your captain to fetch a lobster for me he'd do it" He said, "I'm that special"

Yabang!

Ilang minuto lang nawala si Audi at pagbalik niya, ang dami nga niyang kinuhang crabs. Very good. Marunong makinig si Audi.

Nagsimula kaming kumain dalawa, siyang pagsimula ng party. Gusto ko sanang sabihan sina Gust na makinig sa emcee pero may mga sariling mundo ang mga gago. Nagkukulitan sa lamesa. Tawa ng tawa. Pati si Audi dinadamay.

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now