Chapter 19

9.8K 197 69
                                    

Inaayos ko na ang aking mga gamit para makauwi ng biglang bumukas ang pintuan at sumulpot ang ulo ni Audi sa opisina.

"Sabay tayo uwi.." Malambot ang kanyang boses ng sabihin niya 'yon saakin.

Lumabas kaagad ang marupok kong side dahil sa ginawa niya. Pero hindi ko iyon pinahalata. "Tapos ka na ba?"

"Not yet. May kaunting papeles pa na kailangan asikasuhin"

Tinaasan ko siya ng kilay. I saw him bit his cheek from the inside. Dahan dahan niyang kinamot ang kanyang batok. "I'll just do it tomorrow then"

Nakatayo na ako ngayon, pero umupo ako uli para sakanya. "Gawin mo na ngayon. Hihintayin na lang kitang matapos"

"You sure?" He asked in a low voice. Tumango ako bilang sagot. Sanay naman na akong maghintay. "Doon ka na sa opisina ko"

"Bakit?" Hamon ko sakanya.

"Because I want you there"

Bati na ba kami? Nagtatampuhan pa kami kani-kanina lang ah.  Ngumuso ako. Kaunting push na lang talaga bibigay na ako.

Hindi na ako nagsalita pa para hindi na humaba ang usapan. Kinuha ko na lang ang aking sling bag at naglakad kaagad palapit sakanya. Binuksan ng malaki ni Audi yung pintuan para makalabas ako. Siya na 'din ang nagpatay ng mga ilaw saloob.

"Gutom kana ba?"

Kinakalikot ko ang aking telepono ng magtanong siya. "Medyo"

"Delivery?"

Umiling ako. Ayoko nga. Kahit magkaaway kami ngayon gusto kong sa labas kami kakain para naman may interaksyon. Kapag sa opisina niya kami, baka mag busy-busihan lang kaming dalawa.

"Gusto ko sa labas, Audi"

Audi nods and opens the door to his office for the both of us. "Mabilis lang 'to. Sandali na lang"

Agad akong umupo sa couch at dumiretso naman si Audi sakanyang lamesa. Wala ng pasabi sabi, agad niyang tinuon ang sarili sa trabaho. Pinagmasdan ko lamang siya sakanyang ginagawa. He started getting the papers and reading it. May mga pinirmahan siyang papeles meron naman hindi.

Audi already changed his upper with a grey shirt. Hapit ito sa katawan niya kaya medyo nanginig nanaman ang paghinga ko. Ayan nanaman siya sa kagwapuhan niya. Nakakagigil.

Kinalikot ko nalang uli ang aking phone. Scroll dito, scroll dyan. Sobrang bored na ako to the point na humiga na ako ng tuluyuan sa couch. Audi must've sensed my impatience cause he started fixing his things already.

"Tapos kana?" Tanong ko, umaayos na ng upo.

"Yes"

"Sure?"

"I'm done"

Tumayo siya kaya napatayo 'rin ako wala sa oras. Sinenyasan niya akong kumilos na agad ko naman sinundan.

"Saan mo gusto?" Tanong niya sabay pindot sa elevator. "What do you want to eat?"

"Ikaw" pabalik kong tanong sakanya. "With question mark. Tinatanong ko kung ano 'din ang gusto mong kainin" agad kong pagdepensa ng bigla niya akong tinaasan ng kilay.

Feeler! Diba nga walang halikan ng isang buwan ha! Bakit naman ako magpapatalo doon. Dali dali lang sundin 'yon.

Nauna siyang pumasok sa elevator kaya pagharap niya saakin para pindutin ang floor button, nakita ko ang nagbabadyang ngisi sakanyang mukha.

"Mag gulay tayo ngayon"

"Ayoko" nagsalubong ang mga kilay ko sa narinig. Gulay? What is that?!

Audi and Me (Cadre Series #1)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora