Chapter 3

10.9K 354 116
                                    

"'O, tahan na. Wag nang umiyak. Feel mo talaga na magiging kayo ni Audi sa huli, ano? Chaka ka, girl. Matulog ka na lang para at least sa panaginip mo, kayo"

Nilagay ni Stef ang tissue sa ilong ko. "Singa" suminga ako ng pagka-lakas lakas.

Halos napuno ng sipon ang tissue at parang anytime, mapupunit na 'to sa sobrang basa. Pinalo tuloy ako ni Stef sa braso.

"Gaga ka! Ikaw na nga dyan! Kadira ka! Kaya hindi ka pinapansin ng crush mo 'e! Baboy ka kasi!"

Mas lalong lumakas iyak ko sa sinabi niya. "I cannot believe this!" Sabi ko sabay inom sa tanduay lapad na pinabili ko kay Stef dito sa condo niya. "How dare him do that! I was faithful and loyal! How can he do that to me?!"

"Kaya ayokong umiinom ka 'e"

Kumurap kurap pa ako sabay punas sa ilong ko. Masakit na ang ulo ko at nahihilo na ako kanina pa, pero broken hearted ako kaya okay lang ang ganito basta lang matakpan ang kirot sa puso ko.

"Kung iinom ka kasi, inom lang. Walang englishan!"

Pinunas ko ang basa kong pisngi sabay tinignan si Stef na pasimpleng umiinom 'rin ng tanduay lapad.

"I'm pretty naman diba?" Naiiyak kong tanong.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Oo naman. Bobo ka nga lang"

"I'm not!"

"Maniwala sayo, Wing. Lasing ka na nga nagagawa mo pang magsinungaling"

Sinabunutan ko siya. "Nakapasa ako ng nursery, elementary, high school at yang lintek na k-12 program na yan!" I squealed. Tinapik niya kamay ko mula sa buhok niya at tinignan ako ng masama. "I'm not bobo! I graduated and passed! College girl na ako ngayon, Stef!"

Kumuha siya ng tunang ginawa naming sisig sabay kain dito. "Kasi madali pang mangopya 'non, Wing. Haler, spoon-feed tayo sa mga teachers noon. Kita mo nga ngayon sa college, kahit matalino ka, kapag may saltik professor niyo, aba delikado parin grado mo!" Pinitik niya noo ko nang mapansin na halos maipikit ko na ang mga mata ko sa sobrang lasing. "Kaya ikaw, move on kana at mag pokus ka sa college. Nako, Wing, sinasabi ko sayo"

Humalukipkip ako sabay sandal sa paanan ng couch. Nandito kasi kami nakaupo ni Stef sa lapag ng living room ng condo niya. Mayaman sila, actually. May-ari ata ng hospital? Ay ewan nakalimutan ko na. Basta mayaman. Kami naman ay nasa middle class lang. Since ako lang ang nag-iisang anak nila mother at father, binuhos nila lahat ng ipon nila para lang magkaroon ako ng magandang kinabukasan.

Pinapasok nila ako sa magandang university at binigay sakin ang lahat ng hiningi ko. Pero hindi ako spoiled ha! Baka sabihin niyo yan! Bobo na nga ako, tapos may lakas loob pa akong maging spoiled?

Sobra na 'yun.

Nagagalit ang mga magulang ko sakin minsan kapag may na-babagsak akong test, pero sinasabi naman nila na 'okay lang, basta pasado sa subject'.

Sabi pa nga ni father "Basta madiskarte ka sa buhay, Wing at magalang sa lahat, mas lamang ka na sa buhay"

Laking pasalamat na lang ako at pinalaki ako ng ganito ng mga magulang ko. 'Yun nga lang, hindi lahat perfect.

Inubos ko na ang iniinom kong tanduay at tyaka inilipat ang atensyon ko sa sisig.

"You think I won't get through college?" Mahinang tanong ko kay Stef na ngayon ay hinahalungkat ang kanyang cellphone. "Oi" tawag ko sakanya ng hindi niya ako pansinin. Nakakunot noo pa ito habang nakatingin sa phone.

Audi and Me (Cadre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon