Chapter 38

6K 146 35
                                    

At the same night, kumuha kaagad kami ng ticket niya papuntang Canada. Audi agreed that he would let me handle his company habang nasa Canada siya. Walang new projects ang dadating and the meetings will only be for the convenience and stuff. We're not blood related or married for the board members and share holders to treat me with the same respect they have to Audi, so Audi made sure that it will be crystal clear for the company that he will temporarily pass his works to me dahil nga sa emergency ng kanyang pamilya. I'am also his secretary so bawas reasonings na. All I need to do is call him if ever may parte akong hindi ko maitindihan at hindi kayang solban. Minor papers will be signed by me. Major papers naman ay kay Audi parin ang huling pirma.

Tinulungan ko si Audi mag-impake. Kahit naman hindi na kailangan. Meron naman kasi siyang mga gamit doon kaya kaunti lang ang dadalhin niya sa duffel bag.

Kumain muna kami ni Audi bago kami tuluyang lumabas sakanyang condo.

Pagdating namin sa parking lot, 'roon ko lang din naalala si Gust. Agad ko siyang tinawagan para sana sabihan siya na pwede na siyang umuwi, pero nag presinta ito na ihatid si Audi sa airport.

Tahimik lamang ang byahe habang papunta kami doon.

"Hoodie mo ba 'to" Mukhang hindi na ata nakayanan ni Audi at siya na mismo ang bumasag sa katahimakan. Nagulat tuloy si Gust.

"Ah eh. Oo, hehe. Kinuha ni Wing kasi nilalamig 'raw siya kanina" Lumunok siya ng laway, "Sayo na lang kung gusto mo, hehe"

Nagsinungaling pa. Satingin niya talaga may ganang makipag away si Audi sakanya ngayon?

"Ang nipis" Audi said. Walang bahid na emosyon ang tono at mukha. "Walang kwentang jacket. Nilalamig parin ako"

Pinatay kaagad ni Gust ang aircon ng kotse. "Lakas kasi ng aircon ng Leorouge, pre"

"Ang init, Augustine" singit ko mula dito sa likuran.

Para siyang nataranta na ewan. "H-ha? Ah, ano, sabi ni Audi kasi—"

"Anong sinabi ko?" Audi asked with a threatening voice kaya mas lalo siyang naguluhan.

Kinamot kamot ni Gust ang kanyang ulo at nagpasya na lang na i-one ang aircon. Inayos ni Audi ang fan at tinapat ito saakin.

Mahina akong napamura sa sarili. Tangina, joke lang naman 'yon para asarin si Gust! Talagang tinotoo nanaman ni Audi! Ang lamig na kaya!

Halatang halata parin na kakagaling lang namin ni Audi sa iyakan kaya siguro hindi alam ni Gust ang gagawin niya saaming dalawa. Nang marating namin ang airport, nagyakapan lang kami ng mahigpit ni Audi at inasar ko siya ng kaunti para naman hindi na siya sad.

When Audi was already walking away, I silently prayed that Porsche will be fine. That everything will be okay again, and makikita ko na uli ang ngiti ni Audi.

Pinag-pray ko 'rin na sana madapa tatay ko habang naglalakad siya sa kung saan saan.

Pero agad ko 'rin naman binawe. Wag na lang pala, Lord.

Nang mawala si Audi sa paningin ko, hinarap ko si Gust—- na ngayon ay diretso lamang ang tingin sa harapan, kung saan nawala ang pigura ni Audi. Sinundot ko tagiliran niya. Mabilis siyang kumurap kurap at agad na nilingon ako.

"Hindi binalik ni Audi 'yung hoodie ko. Mahal pa naman 'yon" Gago. Sinapak ko nga siya sa braso.

Bahagya itong tumawa ng mahina.

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now