Chapter 21

9.9K 206 22
                                    

"Sainyo to?!"

Kumikinang ang aking mga mata habang tinitignan ko ang kabuuan ng kanilang isla. Isang private island kung saan dito pinatayo ang kanilang house ancestry. Isang maliit na island kung saan tanging mansion lang nila ang kumukuha sa kalahati ng espasyo.

Kakababa pa lang namin sakanilang chopper, ito kaagad bumungad saakin! Iba talaga kapag galing sa mayamang pamilya! Nakakabigla 'tong buhay ni Audi, hindi mo aakalain na ganito sila kayaman. Sabagay, ikaw ba naman magkaroon ng car company sa buong mundo.

"Baby, close your mouth" sabi niya pero siya na mismo ang gumawa non para saakin. Sinarado niya bibig ko na may ngiti sakanya mukha. "Save your sight seeing for tomorrow morning. Wala ka ng makikita pa at gabi na"

Hinawakan niya kamay ko at naglakad na kami papuntang mansion nila. Ngumuso lamang ako pero hindi na umangal pa. Itinuon ko ang atensyon sa mansion nilang halos magmukhang palasyo sa sobrang laki.

It looked old in a modern way. Gray bricks took most of the mansion's design, but the white painted walls balanced it. Para siyang school sa England. Vintage and aesthetically pleasing.

Nagulat na lamang ako ng may matapakan akong semento. Ba't sila nagpalagay ng semento? Sa ibang vintage mansyon na makikita mo sa tv, may makikita kang mga malalaking fountain, kesa sa iyon ang bumungad sayo, iba ang makikita mo dito—isang malaking swimming pool ang bumungad saakin. Covered in coconut trees parin ang buong paligid kahit may semento na akong natatapakan.

Para akong nasa isang resort. Ang galing!

"Sino pa nandito bukod sa mga housekeepers?" Tanong ko ng mapansing may mga housekeepers na kumuha kaagad sa mga gamit namin ni Audi sa chopper.

Ngitian ko sila at kumuway. "Hi po!" Nahihiya naman silang nag bow.

"Huy, Audi" tawag ko uli sakanya ng hindi niya sinagot ang tanong ko.

"I don't know. I didn't really ask the housekeepers" Umakyat na kami sa steps bago marating ang higanteng pintuan ng mansyon. "But my father is here"

Para akong nagkaroon ng heart attack sa sinabi niya. "Omg"

'Di pa ako ready! Tange si Audi! Hindi man lang ako ininform bago kami dumating!

Bago paman ako makapagsalita, inunahan na niya ako.

"Don't worry, he's always asleep" he said in a low voice, and gave me a tight smile.

Ganon.

May housekeeper na nagbukas ng pintuan para saamin. "Hala, thank you po" sabi ko.

Mas lalo lang ata akong napa nga-nga ng makita ang interior design ng mansyon.

Sobrang ganda!

White walls. Black thin railings. Wooden floor. A high ceiling where a ring of ornate glass windows took most of my eyes' attention. In the middle of that ring, a glass chandelier completed the look. Dalawang palapag lang ang mansyon and the second floor is all doors. An inside balcony that lets you see directly what the second floor is. Hindi na ako magtatanong kung ano ang mga pintuan na iyon.

Alam kong puros mga kwarto ang nandon.

The wide grand staircase is a little bit far from the entrance door. Vintage na vintage pero naroon parin ang beach vibes dahil sa mga malalaking puting pot na may mga mamalaking dahon ang naka display sa iba't ibang parte ng mansyon.

May mga housekeepers na nakaabang pero hindi lumalapit. Busy ako sa kakatingin sa buong disenyo ng mansion ng magsalita ulit si Audi.

"Gusto mo ipakilala na kita kay Dad?"

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now