Chapter 7

9.3K 295 98
                                    

"Bruha! Halika na! Swimming na tayo!"

Saktong pagkatapos ng shooting nila Stef ay agad itong tumakbo palapit saakin para ayain akong lumangoy.

"Dali, tayo naman ang mag-picturan! Pang twitter at instagram!" Kakalapag ko lang sa bag niya at bag ko sa buhangin nang siya na mismo ang naghubad sa dress ko.

"Baliw!" Tili ko.

Naka one piece na kulay itim siya ngayon. Ito ang huling bikini set na pinag-photoshoot nila. Habang ako ay naka itim 'rin na two piece.

"Dali, bago tayo kumain ng bonggang bongga!"

Ginawa niyang pangtakip ang dress ko sa mga bag namin pagkatapos niyang kunin ang phone niya.

Hinila niya kaagad ako sa dagat. "Nandito pa si Damien sakto" humarap kami kay Damien na inaayos ang camera niya sa casing nito. "Damien! Pa-picture naman kami sayo!" Sigaw ni Stef sakanya.

Lumingon si Damien saamin at siningkit ang mga mata. Binalik niya ang atensyon sa camera niya, then, naglakad na siya papunta saamin.

"Here" Binigay niya kay Damien ang phone. Hinila niya uli ako. "Fierce muna tayo"

Anak ng.

Nakatingin lang saamin si Damien, naghihintay. Lumusog kami sa tubig. Natatawa pa kami sa kaartehan namin dalawa. Nang umabot na sa hita namin ang tubig, dun lang kami tumigil. Blanko lamang ang mukha ni Damien na sumunod. Naka board shorts naman ito na may disenyo ng mga leaves at naka polo na bukas ang dalawang butones.

"Dito kayo. Against the light" Bored na tugon niya na ikina-hagikgik namin dalawa ni Stef.

Para kaming tanga na umusog sa sinabi niyang pwesto.

"Fierce bes ha! Fierce! Hindi waky!"

"Damien, yung mala-aesthetic na pic! 'Yung tipong mapapa-wow fa--"

"Spell aesthetic nga"

"Basta yung maganda, Damien"

Nag posing na kami ni Stef.

Hinarap niya ang camera at nag senyas gamit ng isa niyang kamay.

"Put your hands on your waist, Wing" usal niya.

"Okie!"

Ginawa ko ang sinabi niya. Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa bewang ko. Si Stef naman ay naka shoulders' squared lang. dalawa kaming tumingin sa camera ng hindi naka ngiti. Pindot lang ng pindot si Damien.

Amp, ang daya ng Stef na 'to! Mas magaling mag posing! Mas alam niya anggulo niya!

"Okay nato. Ngiti naman" Bungad ni Damien.

'Yun nga ginawa namin. Ngumiti na kami ni Stef. Nagyakapan. Nag-akbayan. Nag taas ng mga kamay. Tumalikod para 'yung pwet ang makita—- tumikhim si Damien.

Affected?

"Uy. Ang tambok kasi ng pwet mo, bes" natatawang bulong ni Stef. "Solo naman!"

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now