Chapter 6

9.3K 233 74
                                    

Nakatulog ako sa byahe at nagising na lang nang maramdaman na nagpaparking na si Audi. Kinusot kusot ko ang dalawa kong mata para um-adjust ang paningin ko sa paligid.

"Nandito na tayo?" Mapaos kong tanong kay Audi.

Lumabas siya sa kotse. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang pumunta siya sa... harapan ng sasakyan? Umayos na ako ng upo at kinuha ang bag ko sa may paanan. Tinali ko na 'rin ang buhok ko bago ako tuluyan lumabas.

Gulat ako ng makitang inilabas niya ang itim na duffel bag doon. Kumunot noo ko.

"Diba makina dapat nandito?" Wala sa sarili kong tanong.

Sinarado niya muna ito bago ako sinagot. "This model has its compartment placed in front and the engine at the back"

Napa 'O' bibig ko sa nalaman. Kaya pala dalawang upuan lang ang meron sa loob. Walang back seat.

"Anong car brand?"

Parang natunaw puso ko nung nakita 'kong unti-unting umangat ang isang sulok ng labi niya. "Me"

"Ikaw?"

Nagsimula na siyang maglakad kaya agad ko siyang sinundan. "Ikaw yung brand?" Agad akong nag-isip. "Audi?" Kumurap kurap ako ng ma gets ko na. Para akong kinilig na ewan kasi tumili pa ako ng slight at tyaka tumalon. "Tama, may Audi na car brand!"

Napatigil lang ako sa pag-iiskip ng mapagtanto kong pumasok kami sa malaking open lobby kung saan matatanaw mo ang kabuuan ng dalampasigan sa harapan. Gabi na pero may mga fairy lights na nakaikot sa mga puno at upuan sa buhangin. Napatingala ako sa buong interior ng open lobby na 'to.

White wood and cream ang thema ng interior. Puting furnitures at puting cushioned seats ang nakapalibot sa main hall ng lobby. Kaunti lamang ang mga tao na nandito sa lobby kasi yung iba ay nasa dalampasigan. Mas madami ang mga foreigners kesa sa mga locals.

Para akong batang pumasok sa disney land sa Hong Kong. Kumikinang ang aking mga mata sa kagandahan ng kapaligiran. Talagang mga dahon at buhangin ang nakapaligid sa resort structure.

"Ang cute" dumaan ang hangin at agad kong sininghot ito. "So fresh naman this resort oy"

Kakausapin ko na sana si Audi pero may sumalubong na crew sakanya. Ngumiti yung lalaki at parang may sinabi kay Audi na hindi ko marinig. Lalapit pa sana ako nang may lumapit narin na crew sakin. Nagulat tuloy ako.

"Ms. Wingreline Pardox?"

Hinawakan ko dibdib ko. "Stalker?"

Nahihiyang tumawa yung babae saakin. "Oh, no. My apologies, ms Wing. Sinabihan lang po kami na salubungin kayo ni sir. Ms Georginie is in the room B-18" Inilahad niya 'yung key card and then may bagong lalaking crew pa ang lumapit saakin.

Bahagya itong nag bow, "Ako na ho sa bag niyo, ma'am"

Bag ko? Huh? Sumulyap ako sa bag ko sa likod. Eh, ang liit nito 'e.

"Ay, kuya okay na po. Parang notebook lang ito na may straps. Kaya ko pa naman buhatin"

Ngumiti lang ito sakin kaya sinuklian ko 'rin ng ngiti. Bigla naman itong tumikhim at nag-iwas ng tingin.

"Kuya namumula kayo. Crush niyo ko 'no? Yieh"

Napakamot ng batok si Kuya. Mas lalo siyang namula ngayon. "Cute niyo po kasi ngumiti, ma'am"

"Wing"

"Baby?"

Tinaasan ako ng kilay ni Audi. Nag peace sign ako. "Charot. Joke. Peace tayo. Ex crush na kita"

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now