Chapter 1

18.6K 349 108
                                    

Naalala ko pa nung Highschool, 'yung nakita ko ang pangalan niya sa listahan ng mga ka-section ko. "A-u-di-sam-per-geh Le-o-ro-u-geh"

"Ha, ano? Bes, odi-sam-perj Leo-rhoug basa dyan bes"

Nakakatawa lang isipin na hindi lang sayo ang binasa kong tama "Dee-nice"

"Bes, De-nis yan"

"Chee-ris-to-per"

"Nako sumasakit na uli ko sayo, Wing. Christopher— Ki-ris-to-per"

"Ka-teh"

"Jusko! Keyt, bes! Kate!"

"Duu-ke"

"Hoy, animal! Marimar! Dyuk! Literal na Duke!"

"La-inee"

"Ay nako ewan ko na lang sayo, Wingreline. Nawala nanaman pako ng utak mo. L-A-I-N-E yan! Leyn ganern, hindi laini!"

Nung first day of school, late ka, kaya nasa pinaka likod na lang ang vacant na chair. Nung makita ko ang itsura mo, nabighani mo kaagad ako. Hindi lang ako, kundi ang buong klasroom. Ang gwapo mo kasi, sobra. So ang ginawa ko, tinulak ko si Stef at sinabing umalis siya sa upuan niya para tayo ang tabi.

"Bes, magkaka-love life na ako. Tumabi ka na dyan"

"Hayop ka. Pasalamat ka at si Blue ang katabi ng vacant chair"

"Sige, go lang"

Pumayag siyang lumipat since kras niya 'rin ang nasalikod. Malandi 'rin siya minsan.

"Ma'am, dito po siya oh! Ito na lang vacant!" Sigaw ko sabay taas ng kamay.

Naalala ko pa kung paano ka lumingon saakin. Ganon na lang ako kinilig ng makita ang blanko mong mukha. At 'yon na nga, ikaw ang naging seatmate ko. Ang saya saya ko no'n.

Akala ko nung una, pipi ka kasi kahit anong gawin kong pag-uusap sayo, hindi mo ako pinapansin. Pero nagbago 'yon ng lingonin mo ako at sinabi ang pinaka-unang salita mo saakin-- "Fuck off"

Omg!

Hindi ako nakatulog ng dahil don! Ang saya saya lang! Mas lalo akong nainlab sayo hayop ka!

Everyday, wala akong ginawa kundi magpapansin sayo. Nalaman kong isa kang racer-- mahilig ka sa mga kotse. Pumunta ba naman sa school na iba iba ang sasakyan everyday?

Habang mas tumatagal, mas dumadami ang mga kalaban ko sayo. Pasalamat na lang ako at medyo masungit ka at hindi mo sila pinapansin. Hanggang sa dumating ang araw na umamin na ako sayo.

Ayon.

Busted.

Masakit.

Dahil hindi ko nai-spell ang pangalan mo.

Kasi nga.

Bobo 'raw ako.

Hindi mo naman kasi sinabi na mag spe-spelling bee tayo para maakin ka!

Ngayon, graduate na tayo sa highschool. Buhay college naman tayo. Hindi na kita nakita pagkatapos ng moving up natin sa jhs. Ang alam ko, nag-take ka ng exam para mag-accelerate.

Hindi ko na alam kung nasaan ka. Nalungkot ako ng sobra. Tapos eto ako ngayon, nag-aapply ng part time job para kahit papaano, may experience sa pag-aapply.

Audi and Me (Cadre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon