Chapter 43

6.3K 140 37
                                    

Si Lambo kaagad ang bumungad saakin ng lumabas ako sa banyo.

May hawak hawak itong basong gatas at napatigil sa pag-iinom ng makita ako.

I washed my face and brushed my teeth. He's a kid, he won't notice it.

Pinilit ko ang sarili na bigyan siya ng ngiti.

He scoffed.

"I don't like fake smiles," he started, "Kung pagod kana, magpahinga ka"

Napatigil ako sa sinabi niya.

Lambo gives me an expressionless face. "I like reading books. So I think I'm a smart guy" he gives me a nod, "And in my recent readings— alam mo ba kung ano ang natutunan ko?"

Hindi ako nagsalita.

Lambo finishes his milk first before talking again.

"I've learned that humanity is a broken plea" he stands up. Takes another glass. And pours milk into it. Lumapit siya sabay nilahad ang basong gatas saakin. "I know you're in a fight with hermano but please don't give up on him"

Hindi pa ako tuluyan nakakaahon sa break down ko kagabi, naiiyak nanaman ako sa harapan ng bata.

"He loves you very much. Just give each other time to rest, yun lang naman 'yon e"

Lumunok ako ng laway at nahirapan pang gumuhit ng ngiti para sa bata. Hindi ko alam kung anong pagmumukha ang ipapakita ko sakanya pero hindi dapat nila kami pino-problema ng mga ito.

Kinuha ko ang basong gatas at nagpasalamat. I ruffled Lambo's hair. "Magluluto na ako ng breakfast niyo. Anong gusto niyo?" Tanong ko sa paos na boses.

"Hermano already cooked"

I stopped my walk to the kitchen and put the glass down onto a side table. "W-wala na kuya mo?"

Lambo shakes his head. "Maaga siyang umalis"

I shifted on my feet. Mas lalo akong nanlumo sa nalaman. Did he even sleep? 4 am na siya nakauwi kaninang umaga.

"A-ah sige"

"Papasok ka diba?"

"Hm? Ah oo"

"You should eat first" lumingon siya sa likod at sumigaw, "Rio! Kain na!"

Wala pang isang minuto ng sumulpot bigla si Chrysler na bagong ligo. Nagsusuklay pa ng basang buhok.

"Good morning!" Malawak na ngiti niyang bati saaming dalawa.

"Good morning, Chrysler" Ang hirap mag mukhang malungkot sa harapan ng mga batang ito. "Halina kayo"

Pinauna ko sila sa hapag kainan at nagpaalam na magpapalit lang ako ng damit. Iyon naman talaga ang gagawin ko, but I had another break down when I entered Audi's room.

I hated myself for it.

Audi and I didn't talk to each other for days. Or more like, hindi na kami nagkikita pa kahit nasa isang bubong na lamang kami. Tuwing umaga mas nauuna siyang umalis kaya hindi ko na siya naabutan pa. Tuwing gabi naman, tulog na ako kung makakauwi siya. Sinusubukan ko naman siyang hintayin, pero mismong katawan ko na ang sumusuko.

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now