Chapter 25

8.8K 172 18
                                    

"Ayoko niyan, Stef. Ang nipis ng tela, baka 'di pa kami nakakaabot sa venue napunit na 'yan ni Audi"

Malakas ang halakhak ni Stef ng marinig niya ang sinabi ko.

"Bruha ka talaga! Active pala kayo ni Audi ah!" Hinila niya pababa ang duluhan ng aking buhok at binalik sa rack ang kinuha niyang red dress.

Christmas party lang naman 'yun ng kompanya pero formal 'raw ang dress code! Paano kami makakapag laro ng mga games ng maayos kung naka dress at heels kami?! Paano na lang kung bring me pala 'yung lalaruin? 'O trip to Jerusalem? Paano kung bigla silang nagbato ng mga candies sa ere? Paano kami makikipag-unahan kung inaalala namin ang mga suot namin?!

God, si Audi talaga.

"How about this? Bagay sayo 'yung mga tight dresses. Mas lalong nae-emphasize 'yung matambok mong pwet" She pulled out another dress that was colored in nude and covered in sequins.

"Shining, shimmering, splendid naman ang dating ko dyan" Napakamot ako sa ulo. Tila ba binibigyan pa ng tingin ang ibang mga cocktail dresses na binebenta sa boutique na 'to.

Stef rolled her eyes. Sinampal niya sa pagmumukha ko ang damit. Napapikit tuloy ako wala sa oras.

"Spell mo muna 'yang shining shimmering splendid mo" Maldita nitong tugon bago binalik ang dress sa rack uli.

"Ba't ba kasi tayo dito? Ang mahal mahal ng mga binebenta. Pwede naman tayo sa iba. Dami dami pwedeng bilhan ng mga mumurahin, dito talaga gusto mo" Umewan mukha ko ng pagbukas ko ng price tag nung isang dress, parang 1 month grocery na ang binili mo. "Ayaw mo muna mag thrifting?"

Humagikgik lamang si Stef sa sinabi ko. "I love ukay ukay, don't get me wrong. But you know that I have this obsession over brands"

Remember 'yung binigay niyang lingerie set saakin? That was VS. And the mini backpack from my 18th birthday? LV.

Kung gaano kadami ang ukay ukay niya sa condo't bahay niya, doble naman ang mga branded.

Sarap lang niyang kunin bilang ninang ng mga anak ko 'e. Family of doctors kasi!

"Ma'am, how about this po? You said you like black dresses, right? Bagay po sainyo 'to" Mabilis pa sa alas quatro ay nilingon namin si ms staff na nag a-assist saamin sa boutique nila. "Nandito lang po 'yung fitting room maam. If maluwag po ng kaunti, or masikip, we can adjust it naman po"

Kunware lang 'tong si ms staff 'e, gusto lang makabenta.

Pero maganda naman talaga 'yung dress so kinuha ko na lang ito at nagpasalamat. Si Stef naman ay nakapili na ng kanya kanina pa. Ako na lang ang hinihintay para sabay kaming mag-fit.

"Ay, infairness, maganda nga" Nag posing posing pa ako sa harapan ng salamin para tignan kung maganda nga ang kapit saakin ng dress sa lahat ng parte ng aking katawan.

It's a tight black lace mini dress with a deep v-line neckline. Simple lang siya, actually. Walang masyadong ek-ek sa disenyo. Maganda ang bagsak at ang kapit sa hubog ng katawan ko.

Sana naman hindi 'to kasing mahal ng mga dress na nakita ko sa ibang rack.

"Bagay sayo?!" Sigaw ni Stef sa kabilang fitting room.

"Oo! Sayo?!"

"Labas ka!"

Sabay kaming lumabas ni Stef sa fitting room. At sa oras na makita namin ang itsura ng isa't isa, sabay 'rin kaming tumili at nagtulakan.

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now