Chapter 8

9.5K 235 83
                                    

"137 and 50 centavos po lahat ma'am" Nakangiting tugon ko sa matandang babaeng bumili ng mga snacks. Naglabas ito ng 150 sa itim niyang wallet at agad ko naman ito sinuklian. "Thank you"

Tatlong linggo na ang lumipas. Pagkatapos ng mainit na paghahalikan namin ni Audi, umalis lang siya bigla. Walang sabi sabi. Walang imik imik. Tinignan niya lang ako. Hanggang sa lumamig ang mga mata niya saakin. Tumalikod siya at naglakad palayo.

Ganoon lang.

Kesa sa magparty pa sana hanggang madaling araw, bumalik na lang ako sa kwarto at nagpahinga.

Damien was smirking at me that time. Stef face was etched with concern. Damien only tapped my head and said, "Better luck next time" he certainly enjoyed the show.

Napabuntong hininga na lamang ako. Umupo ako sa stool dito sa loob ng counter kung saan nagtatrabaho ako bilang cashier sa isang convenience store. Night ang shift ko kasi nga may skwela ako sa umaga.

Pangalawang week ko na ito at laking pasalamat ko na tinanggap ako nung lalakeng manager.

Kinabukasan ng gabing 'yon, nalaman na lang namin na hindi maganda ang pakiramdam ni Chanel at buong damag 'daw umiyak. Si Audi naman ay bumalik na dito sa city para 'daw asikasuhin kaagad ang negosyo.

Kinalimutan ko muna si Audi at itinuon ang atensyon sa school works at part time job. Hindi naman na 'din kami nag-usap pagkatapos ng gabing 'yon.

Okay lang.

Weh, Wing?

Umalis na ako sa store pagpatak ng alas tres. 8 hours lang ako dito at TTH and Saturday nights ang schedule ko. Sakto lang 'din ang sweldo since ginagawa ko lang naman ito para may experience.

Hindi ko gagalawin sweldo ko dito hanggang sa maaari. Para incase na may mangyare, may tago akong pera.

Pagdating ko sa condo, tulog na si Stef. Pinapaheram niya ako ng kotse kasi ayaw niya akong nahihirapan sa transpo. Especially na gabi ang shift ko. Nakakahiya ngang dalhin sa trabaho kasi cashier lang ako pero 'yung kotseng ginagamit ko, Lexus. Kalokang cashier.

Tamad kong ginawa ang aking skin care bago natulog.

"Hindi ka parin tinetext o mine-message lamang, Wing?" 'Yan kaagad ang bungad saakin ni Stef habang kumakain kami ng breakfast kinabukasan.

Ngumuso ako sabay iling.

Tumawa siya. "Ghosted!"

Anong ghosted?! Agad agad? Walang ghosting na nangyayare! Naghalikan lang kami, iyon lang. Hanggang doon lang landian namin!

"Hoy, alam mo ba kung anong nakalap kong impormasyon? Matagal na palang break sina Chanel at Audi! Feelingera lang talaga iyong Chanel na 'yon. Last shot na ata niya nung photoshoot para mag work out relasyon nilang dalawa. Akala niya talaga may chance pa silang magkabalikan ni Audi, 'e kilala mo naman 'yung lalakeng 'yon. Kapag ayaw, ayaw na talaga!" mapilyong tugon niya sabay kagat sa kanyang toasted bread.

Tinignan ko siya ng masama. "Musta si Chanel?" I asked.

She shrugs. "Friends kami? Close kami para malaman ko? Gusto ko ba siya para maging ka acquaintance ko man lang? Of course not! And I don't care, duh"

Sumubo ako ng bacon at kanin. Ngumuya muna bago uli nagsalita. "Kahit konting news wala?"

"Broken hearted parin. 'Yun lang"

"Feel mo ginawang panakip butas lang ako ni Audi? You know, hinalikan lang para makalimutan ng saglit si Chanel?"

Sasagot na sana siya pero umurong dila niya. She tilted her head. Parang na-realize niya 'din ang gusto kong ipahiwatig.

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now