Chapter 17

9K 221 102
                                    

Alam kong racer si Audi. Alam kong sumali na'rin siya sa mga racing contest sa ibang bansa— pero hindi sumagi sa utak ko na pati pala illegal drag racing ay ginagawa niya.

Kung hindi siguro napunta sakanya ang CEO na position ng maaga, ganito siguro ang buhay niya? Kesa sa matakot ako, naexcite at nasiyahan ako sa posibilidad na makikita ko ang iba't ibang buhay ni Audi sa labas ng kanyang opisina.

Teenager na teenager peg namin ngayon!

"Sali mo ako! Gusto ko 'rin mag race!" Patalon talon pa ako habang tinuturo ko ang mga kotse nina Gust na tumabi sa kotse ni Audi. 

Kuminang kaagad ang aking mga mata ng makita ko ang car logo. "Leorouge! Hanep! Ang astig!"

Hinawakan uli ni Audi ang bewang ko para ata tumigil ako sa pag tatalon. Lumabas sina Gust sa sasakyan nila pagkatapos nilang i-park sa tabi ng kotse ni Audi. Tinapik pa ni Gust ang bubong ng kanyang silver luxury car. Puros Leorouge luxury cars!

"Lahat 'to ginawa at dinesenyo ng magaling mong boyfriend, Wing!"

Nga-nga ako.

"Seryoso?" Binalingan ko ng tingin si Audi, "Gawa mo 'yan?"

Ngumisi lamang ito saakin.

Kinilig ako bigla sa hindi ko maitindihan na dahilan. Nanggigigil kong sinabunutan ang buhok niya sabay tumalon-talon uli. "Akala ko ba bumubuo ka lang ng kotse!"

Tumawa siya at hinawakan ang mga kamay ko. "Baby, my hair"

"Banggain nga natin para makita ko kung matibay nga talaga 'yang mga kotse mo!"

Audi slipped a casual arm around my waist and pulled me closer to him, making me stop. Pinitik nito ang ilong ko ng mahina, "Go and test it then. I dare you"

Nilingon ko si Gust. Malawak ang ngisi saaking mukha.

"Gust! Banggain natin 'yung iyo! Tutal spino-sponsoran ka naman pala ng kotse ni Audi! Dali!"

Nagkamot ng ulo si Gust. "Luh. Sabihan mo muna si Audi na saakin mapupunta 'yung bagong modelo!"

"50 percent discount" Walang buhay na sabi ni Audi sakanya. "Pero walang insurance"

Umasim ang ekpresyon sa mukha ni Gust dahilan para matawa ako. May lumapit na lalake kay Audi at sinimulan itong kausapin tungkol sa magaganap na karera. Coordinator siguro. Ewan. Audi gestured for Clay to exchange places with him. Hindi nag reklamo si Clay at agad itong pumunta para siya na ang kumausap sa lalake. Audi then lead me to his car.

Mamaya-maya pa 'raw magsisimula 'yung karera. Nung sinabi kong gusto ko 'din sumali, isang matalim na tingin lang ang nakuha ko kay Audi.

Hehe. Bawal pala joke joke sa racing. Hindi daw biro ang illegal street racing lalo na at pwede kang ma-presinto kapag nahuli. Sabi ko nga hindi ko susubukan 'yung mga drift drift na 'yon. Gusto ko lang sumali for experience. Mas lalo ko atang nagalit si Audi sa sinabi, kaya tumigil na ako.

Varsity pa naman ako sa racing sa mga arcades! Sayang.

Nakaupo lang ako dito sa compartment ng sasakyan ni Audi habang siya ay naka tayo sa gitna ng legs ko, nakalagay ang dalawang kamay sa magkabilaang balakang at nakahilig sa compartment. Nakapatong ang aking mga kamay sakanyang balikat, paminsan minsan ay pinaglalaruan ang kanyang buhok.

May mga kalandian na ang mga kaibigan ni Audi sakanilang mga kotse. Si Asty at Clad ay nagsarado na ng mga pintuan at mukhang may ginagawa ng hindi ka-nais nais sa mga babaeng lumapit sakanila kani-kanina lang. Si Gust may kahalikan. Si Clay naman ay sinusungitan lahat ng lumalapit sakanya. Nakasandal lang siya sa sasakyan niya at may kausap na ibang grupo na mga lalake.

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now