Chapter 12

9.2K 218 40
                                    

"Ew! Did you just— hawak me?!"

Tumaas dalawa kong kilay sa narinig mula kay Cleobella a.k.a Cher ng HM building. Amusement settled in my eyes habang tinitignan ko siya.

Hinawakan ko? Haler, nasagi lang ng kaunti kamay ko sa palda niya? 'Yung upuan ko nasa pinakalikod at mag ka row kami kaya kailangan kong dumaan sa pwesto niya? Eh saktong tumayo siya nung dumaan ako— it's destiny, not me!

"Edi mag-alcohol ka" ikiling sagot ko sakanya sabay nilagpasan na siya.

Padabog siyang tumili. "Stupid babae!" Sabay halungkat sakanyang bag para kumuha ng alcohol.

Ganyan 'yan. Kapag nakakahawak ng ayaw niya, mag-aalcohol pagkatapos.

"Oi, Wing"

Kakababa ko lang ng bag ko may tumawag na uli saakin.

Si Charlie.

"Anong kailangan?" Ngumiti ako sakanya ng pagka tamis tamis. Good mood ako,eh!

Hindi ito lumapit saakin at umupo lamang siya sakanyang upuan. "Imbitado ka sa birthday ni Ryle sa Friday. Sama mo 'yung kaibigan mong modelo"

Si Ryle, kabarkada niya. High school classmate namin ni Stef.

Umupo ako sa upuan ko. "O? Saan daw?"

Pansin kong napalingon saamin si Cher. Nanliit ang mga mata nito saaming dalawa ni Charlie na para bang may na-aamoy siyang hindi ka nais nais.

"Bahay 'daw nila" Tuluyan nang lumingon sa gawi ko si Charlie. "Magdala kapa ng mga kaibigan. Okay lang daw"

"House party?!" Kuminang mga mata ko sa narinig. Mas gusto ko kasi ng house party kesa sa club o bar!

Ngumisi siya. "Yeah"

"Is she your new fuck buddy ba, Charlie?" Oh lala~ at sumingit nadin si feeling princess sa usapan naming dalawa.

At ano daw? Fuck buddy? Nag sign of a cross ako sa harapan nila.

Umangat naman ang isang sulok ng labi ni Charlie. "Malapit na"

Napahawak ako sa dibdib ko. "Aws? Talaga? Ba't di ko alam 'yon!"

"Gross talaga kahit kailan. I thought so naman. Babaeng bayaran ka from the start"

Aba aba aba aba! May mga tao talagang judger kahit kailan.

"At least binabayaran!" Pagsakay ko sa lait niya na ikinatawa ni Charlie. "At least hindi ako dependent sa pera ng mga magulang ko" Tugon ko uli para matamaan siya sa sinabi ko.

If I know, hindi marunong mag hugas ng sariling plato 'yan! Nandidiri nga 'yan kapag may nahahawakan na crumpled paper sa sahig. Nagdadabog pa kapag pinapapulot ng professor sakanya 'yung basurang malapit sa pwesto niya.

So arte naman this girl!

Mga ilang saglit pa, dumating na 'yung last professor namin sa araw na 'to. Medyo inaantok na ako kaya napapapikit ako habang may sinasabi saamin si professor. Buti na lang at mabait siya at hindi na lang ako initindi.

Damot lang 'yan sa grado!

"Papa, I don't want sa jobe! Gusto ko leaves! Veggies, papa!"

Audi and Me (Cadre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon