Chapter 40

6.3K 138 33
                                    

Cramming. Cramming. Cramming.

Inikot ikot ko ang menthol stick sa sentido ko habang naglalakad na ako palabas ng school. Kakatapos lang nang klase ko kay Professor Lamenton, and as expected may pinagawa itong importante.

"Bwisit na teacher" bulong ko.

"Ms. Pardox"

"Ayputanginamo!"

Hinawakan ko ang puso ko sa gulat. Jusko! Yung baby ko! Bawal ako sa mga ganitong emosyon! Kakatayin ko na talaga 'tong matandang 'toh eh!

Nilingon ko si Professor Lamenton na papasok palang sakanyang opisina. Ngumiti ito saakin ng nakakatakot sabay sinenyasan akong pumasok. "Pwede ba kitang makausap, ms Pardox?"

Ayoko. Syempre. Kinakabahan ako sayo.

Pero hindi ko 'yon sinabi. Instead, ngumiti ako ng aso sabay nagtanong. "Para saan po?" Tinignan ko ang orasan ko sa phone sabay napamura ng mahina.

Kailangan kong icheck ang garage ngayon at tignan ang mga manufacturers. Tsk.

"Tungkol ito sa grado mo, ms Pardox. Nababalitaan kong palagi ka ng absent? Hindi lang sa subject ko, pati na rin sa ibang subjects"

Para ata akong natameme sa lumabas sa bibig ng guro ko. Grado? Ever since nasanay akong mag-aral araw araw dahil kay Audi, hindi na ako nagkaroon ng problema sa mga grado ko. Hindi ko alam, pero mas kinakabahan ako ngayon sa hindi ko maitindihan na dahilan.

Lumunok ako ng laway sabay tumango ng dahan dahan. Wala sa sarili kong hinawakan ang tyan ko para kumuha ng lakas kay baby sa loob. Puta, anak yare nanay mo.

Sinenyasan uli ako ni Professor Lamenton na pumasok sakanyang opisina. Kahit ayoko, tinahak ko ang daan papunta saloob.

Sakto naman nag vibrate ang phone ko. Ganoon na lang ako nakahinga ng maluwag ng makita ang text ni Gust.


From: Augustine

Wala ka ata dito sa opisina mo, bebeloves?


Mabilis akong nag type para makapag reply.


To: Augustine.

Skul ako. Puntahan mo ko kaagad. Please.


Masama lang talaga kutob ko at parang may kung anong nangungulit saakin na sabihin 'yon kay Gust. Masama naman na talaga kutob ko palagi basta pagdating sa Lamenton na 'to. Buntis pa naman ako at mas heightened ngayon ang instincts ko. Kailangan kong makasigurado— lalo na at narinig ko ang pag-lock ng pintuan sa likod. Bawal 'yon ah.

Bumalik saakin ang nangyare nung nagtatrabaho pa ako sa convenience store.

May kung anong takot ang bumalot saakin.

"Maupo ka" tugon niya. Umupo ako sa silyang nasa harapan ng kanyang lamesa, habang siya naman ay umupo sakanyang swivel chair.

Diretso ang tingin ko sakanyang mga mata. Tila ba pinapakita sakanya na wala akong napapansin na mali para hindi siya makahalata.

Professor Lamenton is in his early 30s. Matanda ang itsura. Walang asawa. Walang anak. Madamot magbigay ng mataas na grado. Mahilig magpahabol. Mahilig magpahirap ng mga estudyante. Kung titignan mo grades ko, palagi sakanya ang pinakamababa.

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now