Chapter 49

8K 203 48
                                    

Hindi na bumalik pa si Audi hanggang sa matapos ang party. At dahil ako 'tong si tanga at medyo marupok, napagtanto kong wag munang bumalik sa cabin at hanapin muna siya sa deck.

Tatlong minuto na akong naglalakad sa kung saan saan, hilong hilo, singkit na singkit na ang mga mata dahil sa kalasingan, hindi parin siya nahahanap! Saan nanaman napunta ang kotse na 'yon!

Nadagdagan pa ng pitong minuto ang paglalakad ko at paghahanap bago ko tuluyang nakita si Audi sa likod ng cruise. Nakasandal sa railings, naninigarilyo parin. Hinahangin ang buhok at ang damit. Malalim ata ang iniisip at nakatingin ito sa malayo.

Patago akong ngumisi sa sarili, gulatin ko nga 'tong mokong na 'to.

Tahimik akong naglakad palapit sakanya, pinipigilan ang sarili na tumawa sa gagawin. Nang makalapit sa likuran ni Audi, aakmang hahawakan ko sana ang kanyang binti ng magsalita ito bigla.

"Baliw"

Napatuwid ako ng tayo.

Lumingon si Audi sa gilid, humithit sakanyang sigarilyo bago niya ito tinapon sa dagat.

"Mahaba pa 'yon ah" Sabi ko sabay tabi sakanya sa railings. "Ba't mo tinapon kaagad?"

"What are you doing here?" Malalim ang kanyang boses na nagtanong. Audi looked down at my body, scanning me for some reason before taking his eyes back to my face. "Bumalik ka saloob"

"Audi, hindi sayo 'yung barko" Sinandal ko ulo ko sa railings sa sobrang bigat nito, "Ikaw nga hindi bumalik"

Tumaas isang kilay niya sa narinig. "Ako ba?"

Kumunot noo ko ng mga ilang segundo sabay nguso ng mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ng kanyang sinabi. Pero kesa sa patulan ito, nag maangmaangan ako, "Natapos na lang ang party, hindi na kita nakita. Ilang sigarilyo ang naubos mo?"

Audi's jaw was set when he returned his gaze back to the sea. "4" he said, "Go back to your cabin, Wing"

Umayos ako ng tayo. "Hindi mo ako ihahatid?"

Umiling siya, "You can manage"

Ay.

"Nahihilo pa naman ako, Audi" Hinilot hilot ko pa ulo ko, "Kung sa deck na lang kaya ako matulog? Mahangin pa"

Hinintay ko siyang sumagot pero mag lilimang segundo na, nga-nga parin ako dito.

Matalim kong tinignan si Audi na ngayon ay nasa malayo nanaman ang tingin. Hinigpitan ko ang aking hawak sa railings at pinilit na makita ang buong pagmumukha niya.

"Wing, umayos ka" banta niya. "Mahulog ka pa sa ginagawa mo"

Kumurap kurap ako. Hanggang sa mapagtanto ko kung anong katangahan nanaman ang ginagawa ko para sa gagong 'to.

Malalim akong bumuntong hininga, tinuwid ko ang aking tayo sabay pagpag sa sariling damit.

Okay. Fine.

Kung ayaw niya ako dito, mas mabuti pa ngang umalis na lang ako. Sayang naman kasi ipinunta ko dito! Ilang minuto 'rin akong naglakad ano!

Bakit ko nga ba siya pinuntahan dito?

Nasa dugo ko na talaga ang pagiging tanga para sa isang Audixamperge Leorouge.

I pursed my lips together and clasped both of my hands behind me. Pinagmasdan ko muna ng mga ilang saglit si Audi bago ko sinabi sa mahinang boses, "Bye, Audi"

I felt him stiffened beside me but I was too tired for another heartbreak. Hindi ko na hinintay pa kung anong sasabihin niya at tinalikuran ko na siya. Kahit hilong hilo, pinilit ko ang sarili na maglakad ng maayos. Nakakasuka pa naman dito sa barko minsan, lalo na't nakainom pa ako.

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now