Chapter 51

9.4K 208 74
                                    

Mugto ang aking mga mata ng magising. Kinusot kusot ko ito at saktong nakita si Audi na kakalabas lang galing sa banyo. Bagong ligo. Nakatapis ng puting twalya ang bewang pababa at may isa pang maliit na twalya sa taas ng kanyang ulo.

"You look horrible" bungad niya.

Naalala ko kaagad ang mga sinabi ko kagabi at agad na namula. Talaga bang nag emote ako kagabi? Bumagsak ang aking mga balikat sa hiya at naghanap na lamang ng suklay para kalimutan ang nangyare.

"Brush, Audi?" Umubo ako wala sa oras ng mapagtantong napaka-dry ng lalamunan ko! Goodness!

"Water" he corrected me sabay nguso sa basong tubig na nakalapag sa side table.

Inabot ko kaagad ito sabay inom. Kinuha ni Audi ang suklay sa may lamesa. Umupo siya sa gilid ng kama ng naka tapis parin sa twalya sabay lapag ng suklay.

"Ano nararamdaman mo?" Tanong niya habang pinupunasan ang sariling buhok.

"Gusto ko 'yung undercut mo" change topic! Change topic!

Audi raised both of his eyebrows. "Don't change the subject. Tell me what you're feeling right now. Masakit ba ulo mo?"

Si Audi nga pala 'to! Mahirap makipag mind games sa matalino!

"Hindi naman. Tuyo lang 'yung lalamunan tapos nalalagkitan na sa katawan"

"The bathroom's open" sabi niya in an obvious way.

"Kita ko nga, Audi"

He hummed. "Wing"

"Yes?"

"I meant what I said"

I tilted my head in confusion. "Oo nga, Audi. Alam kong walang tao sa banyo ngayon—"

"Last night"

Napa- oh ang bibig ko.

Tinungkod ni Audi ang kamay sa gilid para makaharap saakin. Hindi ba pwedeng mag bihis muna siya?!

"Do you still remember what happened last night?" He challenged.

Tumango ako. "I.." tumingin ako sa taas— sa baba— sa kaliwa— nagkamot ako ng ulo— bago ibalik ang tingin kay Audi. "I love you too"

Kitang kita ko kung paano umangat ang isang sulok ng labi niya. "Really, now?"

Binigyan ko siya ng -seryoso-ka-? look and he licked his lips. "We can start from scratch, you know"

Nalito ako sa sinabi niya. "Paki-explain"

"It means we can start all over again. Take it slow, if you want"

Tumaas dalawa kong kilay sa narinig.

"Liligawan kita, Wing"

"Wag na kaya?"

Tumawa siya ng malakas.

"I mean, sinasagot na kita, Audi"

Mas lalo siyang natawa. Kinamot ko ulo ko. Audi and I was separated for about four years. Bago pa 'yon nangyare, I believe that our first separation happened back in high school kung saan nagsimula ang lahat.

Our feelings were mutual, but it wasn't the right time to be together dahil sa dumating na problema sa buhay ni Audi.

College, and we met again. Our feelings went deeper and fell in love but it was, again, not the right time— we couldn't handle our own traumas and that broke us apart. Shared sadness is never a compatibility, and I didn't regret taking my time off from him. Kinailangan kong ayusin ang sarili ko. Kinailangan 'rin ni Audi na ayusin ang sarili.

Audi and Me (Cadre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon