Chapter 41

6K 142 27
                                    

"Wingreline Pardox"

Pagod kong tinignan ang isang papel sa harapan ko. Kinuha ko ang ballpen at wala sa sarili kong pimirmahan ito.

"I can't believe this"

Tinupi ko kaagad ang papel at baka may makakita pa. Illegal pa naman 'toh dito sa pinas. Ayaw nga ako gawan ni Stef pero mukhang naawa ata saakin.

"You can't do that to Audi, that's really—" Binigyan ko ng tingin si Stef sa harapan ko. Nandito kami ngayon sa condo ni Audi.

It's been three days since the incident, at hanggang ngayon, hindi ko sinabi kahit kanino ang totoong nangyare. Every time na humuhugot ako ng lakas para umamin, bigla bigla na lang ako naduduwag kapag nasa harapan ko na sila. Hindi ko kaya. That's it. Hindi ko kaya. Nahihirapan akong i-open up ang nangyare.

So I just told them that I slipped and hit my tummy on the edge of the table.

"I know it's hard for you to confront Audi about this, but—" inabot ni Stef ang kamay ko mula sakanyang pwesto. Nasa kitchen countertop kami ngayon at kanina niya pa ako kinakausap tungkol dito. "You can't just say that you chose to abort the child just because you're afraid for Audi's emotional state to be completely broken again. Paano yung sarili mo? Satingin mo ba hindi masasaktan si Audi kapag sinabi mong pinalaglag mo yung anak niya?"

Yumuko ako.

"Kaya ko sarili ko" I said, voice barely audible. "Audi have been through a lot and I don't want to tell him that the child that was supposed to be his salvation is now gone" Kinuha ko ang kamay ko mula kay Stef sabay hinilamos ang aking mukha. "I rather he hate me for what I did than him to hate himself for what he did not do"

Tinignan ako ni Stef na para bang ako ang pinaka nakakaawang tao sa buong mundo. "You're giving too much"

Ngumiti ako ng pilit. "Mahal ko, eh"

Sa tatlong araw na lumipas hindi ako natulog na hindi umiiyak. Ayaw ako papasukin ni mama sa opisina at school pero hindi ko siya pinakinggan. Mas lalo akong nanghihina kapag kinukulong ko ang sarili sa kwarto.

Office was fine, but school— ilang beses akong humugot ng lakas sa harapan ng salamin. Telling myself not to be afraid. Na hindi naman ako ang may kasalanan. Hindi pwedeng ganito na lang. Nawalan ako ng anak dahil sa matandang guro na 'yon. Kung hindi ko kayang sabihin ang tungkol sa totoong nangyare saakin, I'll expose Professor Lamenton instead. I want the school to take action for it. I want them to take Professor Lamenton off of his license as a professor.

So when I prepared myself for school, halos manginig ako sa kaba ng kumatok ako sa opisina ng Principal.

After the third knock, dahan dahan kong binuksan ang pintuan. Sumilip ako ng kaunti sa butas at nakitang napa-angat ng tingin si Principal Ocampo mula sakanyang mga binabasang papeles. "Good morning ho"

"Ah, yes, come in" Ika niya sabay ayos sakanyang salamin.

Principal Ocampo is a lady in her 30s. Mabait ito at mahinhin. Sa tagal ko rito sa skwelahan na ito, masasabi kong magaan ang loob ng mga estudyante sakanya.

Sa huling pagkakataon, nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba sakanya. At the end, I was reminded by my own anger. Pumasok ako sa opisina na desididong maikwento sakanya ang lahat.

"How may I help you, hija? Maupo ka ms....?"

"Pardox po. Wingreline Pardox from HM department" yumuko pa ako ng bahagya para gumalang sabay upo sa silya katapat ng kanyang lamesa. Agad na naghanap ng mailalaro ang aking mga kamay— I settled with fidgeting the lost thread of my pants. "I.. uh, I have a, uhm— uh, this p-problem concerning one of our professors po"

Audi and Me (Cadre Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon