Chapter 34

7.4K 158 14
                                    

Isang matte black sports car ang sinasakyan namin ni Audi ngayon. Kagaya sa pinag-praktisan, ang kotseng 'toh ang nangunguna sa linya. Kasunod ko ang kotse ni Crigo. Then sa likod niya ay si Asty, followed by Kaz, Zino, Voni, Clad, Clayton, and Gust.

Audi said the maneuvering of the new models wouldn't be so hard, so hindi na saamin problema ang manibela. Nung unang beses niya akong tinuruan kung paano gamitin ang isang Leorouge na kotse, hindi ako nahirapan. Siguro dahil marunong na talaga ako mag-drive, and Audi made sure that the Leorouge's not that complicated to handle with in the first place.

Ngunit ramdam na ramdam ko parin kung paano tumibok ang aking puso sa dibdib. Para akong mahihimatay na ewan habang nakatingin sa harapan. From the garage to the backstage, and finally, the runaway stage. 'Yan ang ruta namin. Sa harapan, the staffs were busy doing hand signals and operating the entire show from the inside. Rinig na rinig ko pa ang master of ceremonies—- he was already doing the introduction for the new models. Nanlalamig ang aking mga palad at ilang beses akong sumulyap kay Audi para kumuha ng lakas. Siya may ari nito kaya ba't ako kinakabahan ng ganito?

Halos lumayas sa katawan ko ang sariling kaluluwa ng marinig ko ang malakas na palakpakan sa labas pagkatapos in-announce ng master of ceremonies ang mga modelo.

"Drive, baby" Audi urged with a smirk.

Bumukas ang mga glass walls para saamin at mismong mga kamay at paa ko na ang gumalaw bago paman gumana ang utak ko. Dahan dahan lang. Irampa mo lang ang kotse.

I drive.

"Omg"

Puros mga clicks ng camera at mga mukha ng tao ang nakikita ko. Pagtingin ko sa rearview mirror, nakasunod lamang sina Crigo. Malakas ang background music sa labas ng kotse at halos masilaw ako sa mga led lights na tumatama saamin ngayon.

"Keep it going" Pinicturan ako ni Audi bago ko paman ito namalayan. "Look here, babe, and smile"

"Audi!"

"Liliko ka baka nakakalimutan mo"

"Wag mo kasi akong picturan!"

"Why? I'm liking the view from here"

Inikot ko ang steering wheel ng malapit na kami sa runaway stage. Ramdam ko ang mga mata ng mga tao na nanonood lang. Labas ang kanilang mga cellphones at camera para videohan at picturan ang mga kotse. Kita mo sa mga mata nito ang pagkamangha. Ito naman si Audi, hindi 'rin mapakali sa sariling upuan. Picture 'rin ng picture. 

Isa pang liko ang ginawa ko para makapasok ng tuluyan sa backstage. Agad kong nasulyapan si Stef na naka abang doon. Kumuway ito ng makita ang kotse, tumalon talon pa na parang bata.

"Easy, right?" Audi said. He reached for my hand and gave it a tight squeeze. "Huli na 'to"

I spared him the briefest glance before halting the car. Hininto ko ang kotse sa mismong paanan ng sloped-platform, kung saan ito ang gagamitin namin para maiakyat ang kotse sa stage. Stef positioned herself in front of the car, at may lumapit sakanya na make-up artist para ayusin uli ang kanyang buhok at outfit. May staff sa gilid niya para mag bigay ng signal.

Ako ang na-excite para sa gagawin niya. Gusto ko tuloy siyang panoorin sa audience place at hindi dito!

"Ang ganda ni Stef" kinikilig kong tugon.

Lumabas sa bibig ng master of ceremonies ang pangalan ni Stef, kasabay 'non ay ang pagbukas ng tinted glass walls sa harapan namin lahat.

Nakatalikod si Stef saakin pero nung magsimula siyang rumampa sa runaway stage at inabante ko ang kotse para sundan siya, alam kong dadami na ang mga projects ni Stef sa ginawa. Ang galing rumampa ni tipaklong! Ramdam na ramdam mo bawat hakbang niya sa stage e!

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now