Chapter 36

6.3K 142 7
                                    

"Ba't gising ka pa?"

Pagod kong pinakita kay Audi ang mga notes ko. "Aral" sabi ko. Napag-aralan ko na 'toh last week pa. Advance. Inulit ko lang kasi wala na akong magawa.

Ang totoo niyan, hinihintay ko talaga siyang makauwi mula sa trabaho. Ayoko lang sabihin sakanya at baka magalit nanaman siya. Isang linggo na 'rin ang nakalipas nung mag move-in ako dito sa condo niya. At sa mga araw na 'yon, palaging alas diyes pataas siya sa gabi palaging naka-uwi.

Tumatawag naman siya saakin para magpaalam kung iinom sila ng barkada.

"Did you eat dinner?" tinanggal niya kaagad ang maluwag na necktie sa kwelyo sabay yuko para bigyan ako ng halik sa ulo. "You look tired. Do you want me to help you study?"

I roll my eyes sa sinabi niya. "You look tired" sagot ko sabay tayo para tanggalin isa isa ang kanyang mga butones. Humilig ako sa lamesa at mas nilapit pa siya saakin.

Binuhat naman ako ni Audi para makaupo ako sa lamesa. Mga kamay ay dumiretso saaking mga hita sabay hinimas himas ito pataas baba.

I am only wearing a black dolphin shorts and a sleeveless white crop top. Malamig sa condo ni Audi, but I'm used to the cold. I prefer it anyway.

"What are you studying?" Tinignan niya ang mga notes ko sabay basa dito. Tinanggal ko ng tuluyan ang kanyang long sleeves at tinupi ito ng maayos.

"May quiz kami bukas tungkol dyan" I said. Putting down his shirt on the table.

Pinagmasdan ko ang kanyang katawan na halos walang pagbabago. I always wondered kung bakit kahit stress na stress na siya, ang ganda parin ng built ng katawan niya. I've learned na every day pala ito nag e-exercise. Most of the days, nag mu-muscle work out si Audi sa madaling araw bago pumasok ng trabaho. Kapag hindi naman siya nagbubuhat, jogging naman ang ginagawa niya.

Sa jogging lang ako sumasama. Yun lang kaya ko, e.

"You've already studied this last week right?"

Nabigla ako, pero hindi ko pinahalata. Oo nga pala. Alam pala lahat ni Audi ang mga pinag-aaralan ko sa school. Kahit busy, naoobserbahan niya ang lahat ng mga pinaggagawa ko!

"Review, Audi. Haler, mabilis mawala sa utak ko ang pinag-aralan"

"Pagpahingain mo muna utak mo. Too much will never be okay. Review lang 'rin naman 'toh. If you want, I'll wake you up at 4 or 5 a.m para ipagpatuloy mo review mo" nilapag niya yung notes sabay binigyan ako ng halik sa labi. "Brain needs to rest too, babe"

Tumango tango ako. The irony in his words. Hindi ko na lang ito pinansin. "Nagugutom ka? Gusto mo magluto ako?"

He shakes his head. "May tatapusin lang akong paperworks. Kaunti na lang 'toh. Kape na lang?"

Ngumiti ako ng malapad. "Of course!"

Malapit nang mag twelve at kahit hindi ipakita ni Audi, alam kong pagod na pagod na siya. Tinimplahan ko siya ng kape at pagkatapos non, humiga na ako sa kama para matulog.

Pero hindi ako makatulog. Kahit anong posisyon ko sa kama o kahit anong tutok ko sa wall clock na naka kabit sa isang pader, hindi talaga ako makatulog!

1 a.m na at napag-isipan ko na lang na puntahan si Audi sa study room niya. Baka makatulog ako habang pinagmamasdan siyang mag trabaho. Or kahit ano. Bubuhatin naman ako ni Audi pabalik sa kwarto kapag nakita niyang tulog ako.

Audi and Me (Cadre Series #1)Where stories live. Discover now