Chapter 36

205 9 0
                                        

Von POV

Agad kong binagsak si Van sa kama niya ng makauwi kami dito sa bahay, napahimas si Fin sa batok niya habang si Creed naman ay dumeretso na sa kwarto nila ng asawa niya, tumingin ako kay Fin na iiling iling.

"Mukhang broken kambal mo, bantayan mo muna." Sabi niya saka lumabas sa kwarto ni Van, inayos ko ang pagkakahiga ni Van saka sinimulang alisin ang sapatos niya, nilagyan ko siya ng kumot saka pinatay ang ilaw bago isara ang pinto.

Kanina ay galing na kami sa hospital at normal naman ang findings sa kanya, siguro ay mali lamang ako ng amoy kanina at nag panic noong nawalan siya ng malay.

Agad akong dumiretso sa kwarto ko kung saan naabutan kong natutulog na si Yezrah, nilagyan ko siya ng kumot saka hinalikan sa nuo, napangiti ako ng makita ko ang pagngiti ni Yezrah habang naka pikit.

"Oh, you're here na pala, kanina pa siya nag we-wait sayo, you guys took so tagal that's why pina sleep ko na siya." Conyong bungad ni Leana na sa tingin ko ay sumilip dito sa kwarto para kamustahin si Yezrah.

"Anyways she is asking me if kailan niya makikita ang mommy niya, i don't know what to answer so i just said that tomorrow she will met her mom." Sabi ni Leana kaya kumunot ang nuo ko.

"What? baka umasa si Yezrah, sana sinabi mo nalang na 'ask your dad' or 'i don't know', stupid." Sabi ko.

"Eh naunahan nga ako ng kaba when she ask me that." Sabi niya kaya napailing nalang ako. "I can contact Cleopatra, she can help us naman." Sabi niya, umiling ako habang tinatanggal ang tie ko.

"Wag, may gulo pa sila ni Van." Sabi ko.

"Oh? what happened to your twin pala?" Tanong niya.

"Ayon, nasa kwarto niya, tulog." Sagot ko.

"Hmm, okay, anyways Imma go na, good night wolfie." Sabi niya kaya inirapan ko lang siya.

Kinabukasan, maaga akong nag tungo sa kwarto ni Van para icheck siya pero pag punta ko don wala akong ibang naabutan kundi ang kama niyang gulo gulo.

"Ano?! Wala sa kwarto nya?" Gulat na tanong ni Fin na kakalabas lang sa kwarto nilang mag asawa.

"Hindi ko din alam, nung sinilip ko siya sa kwarto niya wala siya."sabi ni Leona.

"Anak ng pating."sabi ni Creed at napa kamot sa ulo niya.

"Kanino ba nag mana yang kakambal mo at napaka kulit?"inis na tanong ni Fin.

"Sure akong pumunta siya kila Cleopatra."sabi ko.

"Puntahan na natin."sabi ni Creed.

"Pass muna ako nga lods, sakin naka tokha si Ozix ngayun. Kayo muna."sabi ni Fin.

Tumango kami ni Creed at bumaba sa hagdan.

Palabas na kami sa pinto ng matigilan kami ni Creed dahil sa nakikita namin.

Kasama ni Van si Von.

Teka ano?! Ako si Von.

"Dalawa ang Von?"tanong ni Creed at napa tingin sa akin.

"Pwede ba tulungan niyo ako?"tanong ni Von habang inaalalayan si Van.

"Hoy bakit kamukha kita?"tanong ko.

Napa irap ito at biglang nag bago ang anyo. Si Cleopatra.

"Pwede pala yun." Sabi ko at agad na tinulungan siya.

Inakyat namin ni Creed si Van papunta sa kwarto niya.

"Ang bilis niyo naman ata?"tanong ni Fin.

"Hinatid na ni Cleopatra."sabi ni Leona habang pinapanuod kaming ihiga si Van sa kwarto niya.

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Onde histórias criam vida. Descubra agora