Chapter 5: I don't Like you

335 8 0
                                    

I don't like you.

~~~~

Von POV

Lumabas na kami sa hospital room ni Clementine ng sabihin ng doctor niya na kailangan na niyang mag pahinga. Tuwang tuwa kami dahil sa baby nila. Wala lang ang cute lang kamukha siya ni Fin, sana wag niya makuha ang ugali ng tatay niya. Napaka sama nong ugali non kay Clementine lang maamo, pag dating samin parang nag hahamon ng digmaan.

"Von." Napa pikit ako ng marinig ko ang boses ni Aphrodite. Hindi ako humarap. Nanatili lang akong naka talikod sa gawi niya. Napa mura ako ng pumunta siya sa harap ko at tignan ang mga mata ko.

Kanina kase, papaalis na kami ng dumating siya at sinama ni Leana.

"Galit ka ba sakin?"tanong niya. Hindi ko siya kinibo. Tumingin lang ako sa paligid dahil baka makita kami ni Van at magalit ulit siya sa akin.

Nilagpasan ko siya pero di pa ko nakakalayo ng hawakan niya ang braso ko kaya napa tigil na naman ako.

"Von kausapin mo ko please." Huminga ako ng malalim saka siya hinarap at inalis ang kamay niyang naka hawak sa akin.

"Nag usap na tayo diba?"malamig kong tanong.

"Sinabi ko naman sayo na tumigil ka na." Dagdag ko. Kita ko ang pamumuo ng luha niya.

Ayokong saktan sya at masaktan sya ng dahil ss akin. Sinasabi ko na ang totoo, hindi siya ang gusto ko at hindi siya ang mahal ko. Hinihintay ko ang babaeng yun, hinihintay kong bumalik si Lit.

"Von ako nalang kasi." Napa pikit ako sa sinabi niya. Eto na naman siya, pinag pipilitan ang sarili niya sa akin.

"Aphrodite." Sabi ko at lumapit sa kanya para punasan ang luhang tumulo sa mata niya. Ayokong may nakikita akong babaeng umiiyak ng dahil lang sa akin.

"Hindi lang ako ang nag iisang Lalaki sa mundo."sabi ko matapos kong punasan ang luha niya.

"Hindi lang din siya ang nag iisang babae sa mundo Von." Natahimik ako sa sinabi niya.

"Kung sino man yang hinihintay mo hindi lang siya ang nag iisang babae. Von nandito naman ako eh saka malay mo hindi na bumalik yun--"

"Tumigil ka na!" Natigil siya ng bigla akong sumigaw. Napalunok ako dahil halatang nagulat siya sa pag sigaw ko.

Hindi ko gustomg sigawan siya. Ayoko lang marinig ang sasabihin niya.

"Si Van, siya ang mahalin mo Aphrodite. Gusto ka ng kapatid ko--"

"At gusto kita Von."putol niya sa sasabihin ko.

"I don't like you." Malamig kong sabi dahilan para mas lalo siyang umiyak. Himinga ako ng malalim at tumalikod sa kanya.

"Mag pahatid ka nalang kila Leona at Leana."sabi ko saka humakbang palayo sa kanya.

Ayokong saktan si Aphrodite, parang nakakabatang kapatid ko na siya sa akin. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa nararamdaman niya sa akin.

Isa pa, gusto siya ng kakambal ko. Ayokong magalit lalo sa akin si Van dahil lang sa babae.

Sumakay na ako sa sasakyan ko at nag tungo sa  bahay. Wala naman akong ibang mapuntahan, yun ang tambayan ko simula ng umuwi kami ni Van galing Devil's sea.

Habang nasa daan ako ay nag ring ang phone ko. Sinagot ko naman iyon ng makita ang number ng kaibigan ko.

"Bro nasan ka?"tanong nito.

"Pauwi sa bahay bakit?"tanong ko.

"Tara inom nag yaya si Clyde eh." Napa kunot ang nuo ko.

"Oh? Kelan pa natutong uminom yan?"natatawa kong tanong at nilihis ang sasakyan ko.

Cupid Screwed Up (Von Floyd Vaughn)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon